• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa umanong magsalita si Kier Legaspi upang pabulaanan ang mga atake at kasinungalingan tungkol sa kanya.

Kier Legaspi, may pasaring sa anak na si Dani Barretto?

Handa umanong magsalita si Kier Legaspi upang pabulaanan ang mga atake at kasinungalingan tungkol sa kanya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @@Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/20/2021 01:50 PM
Kier Legaspi, may pasaring sa anak na si Dani Barretto?
Photo credit: @kier_legaspi Instagram

Matapos lumabas ang panayam ni Dani Barretto kung saan ikinuwento nito ang dahilan kung bakit hindi na sila nag-uusap ng kaniyang ama, naglabas si Kier Legaspi ng tila pasaring sa kanyang anak. 

Sa isang Instagram post, sinabi ni Kier na tinitiis niya ang mga atake at kasinungalingan na ibinabato sa kanya. Dagdag pa nito, handa siyang magpaunlak ng panayam upang marinig ang kanyang panig.

“Magpa-interview kaya ako para ‘yung side ko naman ‘yung marinig? I’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if I tell my side of the story. Game?” 


 

 

Sa naging panayam ni Dani kay Vicki Belo, inamin nitong nanirahan siya sa bahay ng kanyang ama noong bente nuebe anyos pa lamang siya. 

“It was like a very dark phase in my life and at that time, I wanted to get to know him. Parang I wanted a different point of view. Parang I lived with my mom all my life. Parang I wanted naman to try to know my dad. So, I lived with him for three months,” saad ni Dani. 

READ: Dani Barretto recalls what forced her not to speak with her father for seven years: ‘There was a fight’

Naging masaya umano ang kanyang pagtira hanggang sa naudlot ito matapos ang tatlong buwan. 

“Tapos we actually had fun. Du’n ko nakilala ‘yung dad ko. Parang we had a relationship. Parang we had great memories of him. But, naudlot siya. Parang after three months, du’n kami nagkaroon ng falling out,” saad ni Dani. 

READ: Kier Legaspi pens heartfelt post for Dani Barretto: “I was the first man who ever loved you”

Pagbabahagi pa nito, nagkaroon umano ng lamat ang kanilang relasyon bilang mag-ama dahil sa isang malaking away. 

“There was a fight. Parang a fight occurred one night. And hindi na namin na-resurrect that night. We just stopped talking after that fight. And then it has been seven years,” ani Dani. 

Gayunpaman, sinubukan umano nilang magkaayos noong nakaraang taon. 

“I called him and then we spoke. We kept trying to plan to see each other but because of COVID, hindi kami matuloy-tuloy,” saad ni Dani.

Si Dani ay anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto.