• Home
  • Fresh Scoops
  • Maugong ang pangalan ng Fil-German beauty na posibleng sumampa sa Miss Universe Philippines stage.

Miss Universe Philippines, next target ni Maureen Wroblewitz?

Maugong ang pangalan ng Fil-German beauty na posibleng sumampa sa Miss Universe Philippines stage.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/19/2021 06:16 PM
Miss Universe Philippines, next target ni Maureen Wroblewitz?

Unti-unti nang ipinapakilala ng sikat na pageant camp na Aces & Queens ang ilan sa mga kandidata na posibleng lumaban para sa upcoming season ng Miss Universe Philippines.

Sa official Instagram post ng Aces & Queens, isa ang Cycle 5 winner ng Asia's Next Top Model at Kapamilya star na si Maureen Wroblewitz sa mga tila posibleng lumaban sa nalalapit na Miss Universe Philippines.

 


 

Si Maureen ay unang sumabak sa mundo ng modeling kung saan naging pambato siya ng Pilipinas sa Cycle 5 ng Asia's Next Top Model noong 2017 at naiuwi ang title bilang Asia’s Next Top Model.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maureen Wrob (@mauwrob)

 

Matatandaan sa recent interviews kay Maureen, inamin ng Fil-German beauty na isa sa prioridad niya ang i-explore muna ang kaniyang talento bilang isang showbiz personality bago pasukin ang pageant scene.

READ: Maureen Wrob reveals why she won’t join Miss Universe Philippines this year

Maraming pageant fans ang looking forward sa mga ipapakilalang kandidata ng Miss Universe Philippines bago magtapos ang buwan ng Hulyo.

Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang reigning Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa bagong pambato ng Pilipinas sa upcoming Miss Universe pageant.