• Home
  • Fresh Scoops
  • Masayang nag-bonding sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Gerald Anderson, nakipag-bonding kay Julia at ibang miyembro ng pamilya Barretto

Masayang nag-bonding sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @@Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/19/2021 08:47 AM
Gerald Anderson, nakipag-bonding kay Julia at ibang miyembro ng pamilya Barretto
Photo Credit: @juliabarretto Instagram

Sumama si Gerald Anderson sa bakasyon kamakailan ng kasintahan nitong si Julia kasama ang iba pang miyembro ng pamilya Barretto. ‘

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)


 

Sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Julia ang naging bonding moments ng kanyang nobyo na si Gerald sa pamilya niya kabilang na ang bunsong kapatid nito na si Erich.

Bagama’t hindi pinangalanan ang destinasyon na pinuntahan nila, kitang-kita ang pag-eenjoy ng kanilang pamilya sa kanilang bakasyon.  

READ: Gerald Anderson admits relationship with Julia Barretto

Labis din ang ngiti ng aktres sa mga larawang ibinahagi nito na may caption na “memory box.” 

Kasama din sa nasabing bakasyon ang ina ni Julia na si Marjorie at dalawa pa nitong kapatid na sina Claudia at Leon. 

Tingnan ang mga larawan nila sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

 

Hindi naman ito ang unang beses na sumama si Gerald sa bakasyon ng pamilya Barretto. 

Sa katunayan, ilang beses nang nakapag-beach trip ang pamilya ni Julia na kasama si Gerald. 

Mahigit isang taon ding naging usap-usapan ang umano’y namumuong ugnayan sa pagitan nina Julia at Gerald noon bago nila isinapubliko ang kanilang relasyon. 

READ: Julia Barretto and Gerald Anderson play ‘Never Have I Ever’ in latest vlog together

Unang inamin ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Marso nitong taon sa panayam niya sa talk show host na si Boy Abunda.