• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Kisses Delavin sa maugong napapabalita na sasabak sa Miss Universe Philippines.

Former PBB housemate Kisses Delavin, sasabak sa Miss Universe Philippines?

Isa si Kisses Delavin sa maugong napapabalita na sasabak sa Miss Universe Philippines.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/19/2021 06:10 PM
Former PBB housemate Kisses Delavin, sasabak sa Miss Universe Philippines?

Maugong ngayon ang usap-usapan sa social media sa napipintong pagsabak muli ng former Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin sa mundo ng pageantry.

Sa inilabas na teaser ng official Instagram account ng Aces & Queens, isa si Kisses sa mga tila ipapakila na nag training sa ilalim ng kilalang pageant camp na nag train sa mga pinay beauty queens tulad ni Kylie Verzosa, Megan Young, at Pia Wurtzbach.

“Another lady from ‘Masbate’ who entered several beauty contests,” caption ng Aces & Queens sa Instagram post. 


 

 

Hindi na bago sa mundo ng pageantry si Kisses. Sa katunayan bago pa pumasok sa loob ng Pinoy Big Brother house noong 2016, sumabak na ang rumored Miss Universe Philippines aspirant sa Miss Teen Masbate noong 2013 at Miss Kaogma noong 2016.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin)

 

Looking forward na ang maraming pageant fans sa pagpapakilala sa Miss Universe Philippines candidates bago matapos ang buwan ng Hulyo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin)

 

Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang reigning Miss Universe Philippines na magpapasa ng korona sa bagong pambato ng Pilipinas sa upcoming Miss Universe pageant.