• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkita sina Vice Ganda at Anne Curtis sa naganap na VG-tal concert ng Unkabogable Star.

PANOORIN: Vice Ganda at Anne Curtis, naging emosyonal sa muling pagkikita matapos ang mahigit isang taon

Nagkita sina Vice Ganda at Anne Curtis sa naganap na VG-tal concert ng Unkabogable Star.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @@Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/18/2021 04:30 PM
PANOORIN: Vice Ganda at Anne Curtis, naging emosyonal sa muling pagkikita matapos ang mahigit isang taon
Screenshot from Gandemic VGtal Concert | @cinemabravoph Twitter

Hindi napigilang maging emosyonal ng magkaibigang sina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang unang pagkikita matapos ng mahabang panahon. 

 

 

Sa naganap na Gandemic concert ni Vice, nagulat ang marami nang lumabas si Anne upang makasama si Vice para sa isang duet.

Matatandaang huling napanood si Anne sa telebisyon bago siya lumipad papuntang Australia para sa kapanganakan ng kanyang anak. 

Nang bumalik ito ng Pilipinas, hindi pa ito nagkaroon ng pagkakataon na lumabas sa telebisyon.  

READ: Did you know? This was Anne Curtis’s first talent fee in showbiz

Paliwanag ni Vice, mismong concert na niya pinapunta si Anne dahil ayaw niyang makompromiso ang kalusugan ng kanyang pamilya lalo pa’t may sanggol ito sa kanilang bahay. 

“Hindi kami nagkita talaga at all. Hindi kami nagkita sa rehearsal. Ito lang ‘yung first time. Gusto ko dito lang tayo magkikita at saka ayokong lumabas ka. Siyempre, may bagets. Sabi ko, one time big time lang lalabas si Anne. Huwag nang palabasin,” ani Vice. 

 

 

“Kanina naiiyak na ako. Pero sabi ko hindi. I really miss you so much,” dagdag pa nito. 

Sagot naman ni Anne, tanging si Vice lang ang makakapagpalabas sa kanya sa kanilang bahay. 

“Ikaw lang talaga ang magpapalabas sa akin nang ganito, to do this again,” saad ni Anne. 

 

 

Masaya naman si Vice na pumayag si Anne sa kanyang concert. 

“Hindi kasi siya lumalabas kasi, siyempre, may baby kaya nga isang tawag ko lang sa kanya, nag-yes naman siya. Pero suntok sa buwan iyon,” saad ni Vice. 

Gayumpaman, maiintindihan niya umano kung sakaling pinili nitong tanggihan ang kanyang hiling. 

“But I would understand if you will say no. Siyempre, nanay, hindi naman rampa-rampa lang ito,” saad ni Vice. 

READ: Anne Curtis: ‘I will never leave It’s Showtime’

“Alam mo ang saya ko nag-guest ka. Pero bukod doon, ang pinakamasayang part, nakita kita uli. ‘Yung mga kinanta natin, puro para sa iyo talaga iyon. I am officially missing you,” sambit pa ng komedyante. 

Biro naman ni Anne, isa sa mga dahilan ng kanyang pag-iyak ang taas ng mga awiting kinanta nila. 

 

 

“Ang ganda ng mga pinili mong songs, pero kaya rin ako naiiyak kasi ang hirap nilang kantahin,” saad ni Anne.