• Home
  • Fresh Scoops
  • Napahanga si Joaquin Domagoso sa pag-arte ni Arjo Atayde sa ‘Bagman’.

EXCLUSIVE: Joaquin Domagoso, hanga sa galing ni Arjo Atayde umarte

Napahanga si Joaquin Domagoso sa pag-arte ni Arjo Atayde sa ‘Bagman’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/18/2021 05:06 PM
EXCLUSIVE: Joaquin Domagoso, hanga sa galing ni Arjo Atayde umarte
Photo Credit: @arjoatayde and @jdomagoso Instagram

Hindi naitago ni Joaquin Domagoso, anak ni Manila Mayor Isko Moreno, ang paghanga sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde. Napanood ni Joaquin si Arjo sa iWant original series na Bagman at ayon sa binata labis ang naging paghanga niya sa galing sa pag-arte na ipinamalas dito ni Arjo.

“I consider that a dream role for me,” bulalas ng binata sa PUSH nang huli namin siyang makausap. Inamin din ni Joaquin na pangarap din niyang gumawa ng action film in the future.

READ: Anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sinabing hindi ginagaya ang ama: ‘Di ko naman pina-follow yung footsteps niya’


Sa Bagman na ang istorya ay tungkol sa corruption at politics ay ginagampanan ni Arjo ang character ni Benjo na isang barbero na gagawin ang lahat para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya.

“I want to do an action movie one day. Yung katulad nung Bagman ni Arjo. I like his role there kasi kahit maputi si Arjo in real life and English speaking siya pero sa role niya parang barbero talaga siya, eh. We know in real life that he is rich, pero in the show parang normal siya na bad guy,” sabi pa ni Joaquin sa PUSH.

“I want the role that would challenge me, something like that when it comes to acting. Tulad sa project na ito, Caught In The Act, conyo ako sa totoong buhay, pero sa film simpleng student lang ako,” hirit pa ng anak ni Yorme.

Nagbigay ng reaksyon si Joaquin sa tanong namin kung meron ba siyang conscious effort na ginagawa para makawala sa shadow ng famous niyang ama.

Aniya, “Kasi kung ang focus ko is to get out from the shadow of my dad hindi ko mai-enjoy masyado ang showbiz. The shadow is so big and why should I be afraid being of that shadow, di ba?

 “I think if we have dreams and goals like in life you need to push yourself and strive to be better. Hindi dapat iniisip yung pressure na iko-compare ka sa parents mo kasi magkaiba naman kayo,” katwiran niya.

READ: Mayor-Elect Isko Moreno on being a dad: ‘Hiningi ko sa kanilang lahat, diploma lang’

Hindi naman nakikitang karibal o kakompetensya ni Joaquin ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel na pinasok na rin ang showbiz.

“Wala, eh. I think competition in some extent, pero rival, wala akong ganun. Wala pong dapat apakan or whatever and I don’t think na magkakaganun po,” lahad niya.

When asked kung gusto niyang makatrabaho si Jimuel, oo ang sagot ng binata.

“Yeah, of course, why not? I wanna work with Pacquiao’s son,” sabi pa niya sa PUSH.

Samantala, bida si Joaquin sa pelikulang Caught In The Act written and directed by Perry Escano.