• Home
  • Fresh Scoops
  • Nitong Huwebes, Hulyo 15, inilabas ni Luis Manzano ang kanyang unang awiting pinamagatang ‘How 2 BU (Ang Gwapo Po)’ sa kanyang YouTube page.

Luis Manzano, naglabas ng awitin: ‘Lakas maka-good vibes’

Nitong Huwebes, Hulyo 15, inilabas ni Luis Manzano ang kanyang unang awiting pinamagatang ‘How 2 BU (Ang Gwapo Po)’ sa kanyang YouTube page.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/16/2021 09:25 AM
Luis Manzano, naglabas ng awitin: ‘Lakas maka-good vibes’
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

Isang bagong awitin ang sorpresa ng television host na si Luis Manzano para sa kanyang mga taga-hanga.

Nitong Huwebes, Hulyo 15, inilabas ni Luis ang kanyang unang awiting pinamagatang "How 2 BU (Ang Gwapo Po)" sa kanyang YouTube page.

Isinulat ito nina Duff Uno at Alvin Caraveo, at prinoduce naman ito ni Joanne Angeles.


"After 9 years of working with the brightest minds in the world and 3 planets, lalabas na po ang unang kanta ko," ani Luis sa kanyang post sa Instagram.

"Advice na lang, magtabi ng tissue habang nanonood because the emotions are powerful," dagdag niya.

Ikinatuwa ng maraming netizen ang bagong awitin ni Luis, lalo na ang makulit at nakakatawa nitong lyrics.

"Ang dami nagsasabi sa 'king sobrang gwapo ko," pag-awit ng host sa unang bahagi ng kanyang kanta. "Lahat sila ay elibs sa postura ko't anyo, pamatay na smile, sabayan pa ng kindat. Mapapa-say ka na lang sa akin ng, 'How, how?' Gwapo, gwapo, sobrang gwapo ko."

"Lakas maka-good vibes! Sana all gwapo," komento ng isang netizen sa lyric video ng "How 2 BU".

"Ito 'yung sagot sa [kantang] 'Amfee' ni Alex Gonzaga," sabi naman ng isa pang netizen.

BASAHIN: Luis Manzano mimics lookalike Thai star Jirakit Thawornwong

Maging ang mga kapwa artista ni Luis ay tila nag-enjoy sa kanyang awitin. Kabilang na rito ang kanyang mga kapwa host na sina Robi Domingo, Bianca Gonzalez, at Melai Cantiveros.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 9,000 views at 1,200 "likes" ang lyric video ng "How 2 BU".