• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinunyag ni Claudine Barretto na may nobyo na ang panganay na anak niya na si Sabina.

Anak ni Claudine Barretto, may boyfriend na

Ibinunyag ni Claudine Barretto na may nobyo na ang panganay na anak niya na si Sabina.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

07/16/2021 01:04 PM
Anak ni Claudine Barretto, may boyfriend na
Photo credit: @claubarretto Instagram

Ibinunyag ni Claudine Barretto na may nobyo na ang panganay na anak niya na si Sabina.

Ito ay matapos na magbahagi ng aktres ng ilang retrato mula sa ika-17 birthday celebration ni Sabina kung saan kapansin-pansin ang kasama nitong lalaki. 

Sa kanyang post, nilinaw ni Claudine na hindi ang kapatid ni Sabina na si Santino ang kasama niya sa mga retrato, kundi ang nobyo nito na si Raffy.


"That's NOT SANTINO. That's Raffy, Sab's boyfriend. Saint doesn't want his pictures taken," ani Claudine.

Kalmado naman ang naging sagot ng aktres sa comment ng isang netizen na nagsabing masyado pa umanong bata si Sabina para magka-boyfriend.

"Paki-ingatan na lang si Sab. Mukha namang good girl si Sab," sabi pa ng netizen.

"Yes, thank you," ani Claudine. "Good girl naman si Ate Sab."

BASAHIN: Claudine Barretto celebrates birthday of daughters Sabina and Quia

Samantala, sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Raffy o Rafaello Antonio ang kanyang matamis na pagbati para kay Sabina.

"Happy 17th Birthday baby boo. Thanks for the fun and loving memories. Thank you for bringing happiness into my life. I love you with all my heart, and my feelings for you grow stronger with every day. I love you so much and thank you for being there for me," aniya.

Si Sabina ay adopted na anak ni Claudine. Bukod sa kanya ay may dalawa pang adopted na anak ang aktres—sina Quia at Noah.

Samantala, si Santino ay anak ni Claudine sa dati nitong asawa na si Raymart Santiago.