• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos ng kanilang camping trip, muling nagkasama ang kapwa aktor na sina Daniel Padilla at Joshua Garcia para maglaro ng golf.

Daniel Padilla at Joshua Garcia, magkasamang nag-golf

Pagkatapos ng kanilang camping trip, muling nagkasama ang kapwa aktor na sina Daniel Padilla at Joshua Garcia para maglaro ng golf.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/15/2021 09:42 AM
Daniel Padilla at Joshua Garcia, magkasamang nag-golf
Photo Credit: @tropangjoshuagofc Instagram

Pagkatapos ng kanilang camping trip, muling nagkasama ang kapwa aktor na sina Daniel Padilla at Joshua Garcia para maglaro ng golf. 

Sa Instagram, nag-viral ang kanilang golf session kung saan naka-bonding din ni Joshua ang malalapit na kaibigan ni Daniel na sina Marco Gumabao at Patrick Sugui.

 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KathNiel (@kathniel.tangii)

 

Maraming taga-hanga ang ikinatuwa ang muling pagsasama nina Daniel at Joshua na kamakailan lamang ay nag-camping trip kasama ang aktres at nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo, at mga kaibigan nitong sina Ria Atayde at Sofia Andres.

READ: KathNiel, nag-camping kasama sina Joshua Garcia, Ria Atayde, at Sofia Andres

Si Joshua ay naging malapit na kaibigan nina Daniel at Kathryn, o mas kilala bilang "KathNiel", matapos nilang magkatrabaho sa pelikulang Barcelona: A Love Untold noong 2016.

Samantala, sina Marco at Patrick naman ay matagal nang barkada ni Daniel. Sa kanyang guesting noon sa Gandang Gabi Vice, sinabi ni Daniel na itinuturing niya ang dalawa bilang pinakamatalik niyang mga kaibigan sa showbiz. Sa katunayan ay may bansag na umano sila sa isa't isa—"Roborats", na hango mula sa Pinoy movie na Super Mouse and the Roborats na ipinalabas noong 1989.