• Home
  • Fresh Scoops
  • Maraming netizens ang natuwa sa balita tungkol sa Coco Martin at Julia Montes reunion project.

Coco Martin at Julia Montes, nasa Mindoro para magsyuting ng pelikula

Maraming netizens ang natuwa sa balita tungkol sa Coco Martin at Julia Montes reunion project.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/15/2021 09:19 AM
Coco Martin at Julia Montes, nasa Mindoro para magsyuting ng pelikula
Photo Credit: @cocomartin_ph and @montesjulia08 Instagram

Kasalukuyang nasa Pola, Oriental Mindoro sina Coco Martin at Julia Montes. Nagsusyuting ang dalawa doon ng isang pelikula na magiging comeback vehicle ni Julia pagkatapos niyang mawala sa showbiz ng ilang taon.

Nag-post ng mga pictures ang aktres na si Ina Alegre (Jennifer Mindanao Cruz in real life) na ngayon ay mayor ng Pola kasama sina Coco at Julia habang nasa isang sasakyan pero deleted na ito ngayon.

Maraming nakakatuwang reaksyon ang netizens sa naturang post ni Mayor Ina at halatang na-miss talaga si Julia ng kanyang supporters. Ikinatuwa din nila na magkasama sa isang pelikula ang dalawa na matagal nang napapabalitang may relasyon.


READ: JM de Guzman teases possible movie project with Coco Martin, Julia Montes

According sa aming source na mismong kababayan namin sa Pola, kasama rin sa pelikulang ginagawa nina Coco at Julia ngayon si Raymart Santiago at isang baguhang aktres. Co-producer naman ni Coco sa movie si Brillante Mendoza na siya ring director ng pelikula.

Huling nagkasama sina Coco at Julia sa Star Cinema movie na A Moment In Time noong 2013. Dalawang teleserye naman ang pinagsamahan nila sa ABS-CBN – ang Ikaw Lamang noong 2014 at Walang Hanggan noong 2012.