• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas nangingibaw umano ang pagmamahal ni Angel Locsin para sa kanyang sarili kaysa sa komento ng ibang tao.

Angel Locsin, apektado nga ba sa mga komento tungkol sa kanyang timbang?

Mas nangingibaw umano ang pagmamahal ni Angel Locsin para sa kanyang sarili kaysa sa komento ng ibang tao.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/15/2021 05:57 PM
Angel Locsin, apektado nga ba sa mga komento tungkol sa kanyang timbang?
Screenshot from Over A Glass Or Two YouTube Channel

Hindi apektado ang aktres na si Angel Locsin tungkol sa mga komentong may kaugnayan sa kanyang timbang. 

 

 

Sa panayam ng Kapamilya star YouTube channel na “Over A Glass or Two,” napag-usapan kung paano niya hinaharap ang mga pambabash na natatatanggap niya tungkol sa kanyang katawan. 

DepEd, humingi ng paumanhin matapos tawagin na 'obese' si Angel Locsin sa isang learning module

Pag-amin ng aktres, hindi na siya naapektuhan tuwing may nambabash sa kanya lalo pa’t hindi niya umano kontrolado ang sasabihin ng mga tao tungkol sa kanya. 

 

 

Hindi naman itinanggi ni Angel na nadagdagan ang kanyang timbang. Dagdag pa nito, hindi naman umano ito basehan kung sino at ano siya. 

“Hindi ako nagsalita kasi parang, anong sasabihin ko? 'Yun ang opinion nila sa sarili ko eh. Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero hindi naman masusukat noon kung sino ako. Mabuti nang chubby kaysa ugly,” saad ni Angel. 

Angel Locsin does not want license of teacher behind exam material body-shaming her revoked

Mensahe naman ni Angel para sa mga nanghuhusga sa kanya, ang mahalaga ay alam niya kung ano kaya niyang ibigay. 

“Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I’m sorry to hear that. But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay sa table,” saad ni Angel. 

Panoorin ang panayam niya sa ibaba: 

Saad pa ng aktres, mas nangingibaw ang pagmamahal niya para sa kanyang sarili kesa sa mga komento ng ibang tao tungkol sa kanya. 

“Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan. Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve,” saad niya. 

 

 

Dagdag pa nito: “Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful.”