• Home
  • Fresh Scoops
  • Naglabas na ng resolusyon ang Makati Prosecutor’s Office tungkol sa reklamong inihain kay Tony Labrusca.

Reklamong physical injury inihain kay Tony Labrusca, ibinasura

Naglabas na ng resolusyon ang Makati Prosecutor’s Office tungkol sa reklamong inihain kay Tony Labrusca.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/14/2021 04:21 PM
Reklamong physical injury inihain kay Tony Labrusca, ibinasura
Photo Credit: @tony.labrusca Instagram

Ibinasura ng Makati Prosector’s Office ang inireklamong slight physical injury laban sa aktor na si Tony Labrusca. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)


 

Base sa resolusyon na inihain ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Edmund Seña nitong ika-12 ng Hunyo, binigyang-diin ang petsa kung kailangan nangyari ang insidente. 

Matatandang ika-16 ng Enero nang magkaroon ng umano’y pagtatalo sa pagitan nina Tony Labrusca at maghain ng reklamo si Dennis Ibay Jr. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)

 

“However, the complaint was only filed before this Office on June 04, 2021, or after more than two months from the time of the incident. Considering that the complaint for slight physical injuries against respondent was only filed on June 04, 2021, or after more than two months from the date of its alleged commission, the crime is already extinguished by reason of prescription,” ani Seña. 

Dagdag pa nito: “Wherefore, premises considered, it is respectfully recommended that the complaint for slight physical injuries against Anthony Angel Jones Labrusca, Jr., a.k.a. ‘Tony Labrusca’ be dismissed on the ground of prescription.”

READ: Tony Labrusca’s camp releases statement after woman files complaint against him for alleged molestation

Una nang sinabi ni Atty. Regie Tongol sa ABS-CBN News ang dahilan kung bakit inabot ng ilang buwan bago nagsampa ng kaso ang mga nagrereklamo.

Ito ay dahil umano sa paninira ng kampo ni 25-anyos na aktor laban sa kanila. Matatandaang nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang kampo sa social media. 

Samantala, sinabi naman ng abogado ni Tony na si Joji Alonso na naniniwala silang inosente ang Kapamilya artista sa kabila ng inihatol sa kanya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)

 

“While the decision of the Honorable Office was based on technical grounds, we remain steadfast that our client is innocent from the aforesaid charge,” ani Joji. 

Sa ngayon, wala pang desisyong sa isinampang sexual molestation na kaso ng isang babae na nandoon din sa nasabing pagtitipon laban kay Tony. 

Dalawang kaso ng aggravated acts of lasciviousness ang isinampa kay Tony.