Regine Velasquez, ibinida ang sariling boses sa TikTok app

Certified TikToker na rin si Songbird Regine Velasquez.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/14/2021 02:50 PM
Regine Velasquez, ibinida ang sariling boses sa TikTok app
Photo Credit: @reginevalcasid Instagram

Hindi na rin nagpahuli ang Kapamilya singer na si Regine Velasquez sa pakikipagsabayan sa paggamit ng TikTok app.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Regine ang tila ilan sa mga unang pagsubok niya sa iba’t ibang filters sa kinagigiliwang online app.

 


 

“Okay sa mga nagtatanong live nga eh walang mic o so walang effects,” sambit ni Regine sa kaniyang post.

Sundot pa ng 51-year-old singer: “Also bobo pa lola nyo sa TikTok #Mipansususumlive good morning.”

 

@reginevelasquez59

Mi pan su su sum live 😂

♬ original sound - reginevelasquez59

 

Bukod sa No Filter entry ni Regine, tila isang parody rin mismo ang ginawa ng singer sa kaniyang sariling awitin na “Hugot”

 

 

“Sabi sa TikTok sa lahat ng impersonators ko sya pinaka kamukha ko,” sambit ni Regine na sinundan ng Hashtag na “Nakakaloka!”

Sa ngayon, patuloy na ine-explore ni Regine ang app na labis na kinagigiliwan ng netizens.