• Home
  • Fresh Scoops
  • May sariling arcade games si Ronnie Alonte sa loob ng kanyang man cave.

PANOORIN: Ronnie Alonte, ipinasilip ang bodega na ginawang man cave

May sariling arcade games si Ronnie Alonte sa loob ng kanyang man cave.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/14/2021 09:05 AM
PANOORIN: Ronnie Alonte, ipinasilip ang bodega na ginawang man cave
Screenshot from LoiNie TV YouTube Channel

Ipinasilip ng Hashtags member at aktor na si Ronnie Alonte ang kanyang bodega na ginawang man cave o lugar kung saan madalas niyang libangin ang kanyang sarili. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)


 

Sa bagong vlog ng LoiNie TV, magkasamang ipinasilip nina Ronnie at Loisa ang mancave ni Ronnie na may mga disensyong doodle na gawa ng mga kapatid ng Kapamilya heartthrob. 

“May mga gamit na din siya and nakaayos na rin kahit papaano,” proud na sabi ng kasintahan ni Ronnie na si Loisa. 

Hindi naman umano parte ng orihinal na plano para sa bahay niya ang magpagawa ng mancave.  

Ngunit dahil may libreng espasyo, sinubukan umano ni Ronnie na lagyan ng mancave ito. 

READ: Ronnie Alonte and Loisa Andalio react to ‘live-in’ rumors

“At tsaka biglaan ‘tong man cave na ‘to kasi wala talaga siya sa plano ng bahay. Parang sa part kasi na ‘to [creek], pumapasok ‘yung tubig minsan. Bumabaha dito. Kaya tinaasan ‘yung bahay,” pagbabahagi Ronnie. 

“Ang nangyari, may tira sa ilalim na space. So nu’ng chineck namin, sabi ko, ‘Parang pwede ko ‘to ayusin’. So dati, storage lang talaga siya. Parang bodega. Pero ngayon, ginawan ko ng paraan,” dagdag pa niya. 

Maliban sa mga billiard at table tennis sets, mayroon ding mga video arcade game sets si Ronnie na bigay ni Kris Aquino sa kanya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)

 

“Mayroon akong Daytona USA 2. ‘Pag wala wala kaming magawa, nag-gaganito kami. Bigay ‘to sa akin ni Ms. Kris Aquino,” pagbabahagi ni Ronnie. 

“Mayroon din akong Time Crisis 2. Bigay din ni Ms. Kris,” saad pa niya. 

READ: Loisa Andalio gives tour of family home

Hiling naman ni Ronnie na sana mapuno na ng kagamitan ang kanyang mancave na aniya’y naantala dahil sa pandemya. 

“Siguro ang makumpleto. Kasi marami pa din akong mga dapat palitan dito eh. Kagaya ng mga pinto. Tapos ‘yung mga lababo. Kasi gusto ko dining na din para ‘pag nagkakainan. And sana, if ever, sana ‘pag dumating ‘yung pagkakataon na madagdagan lang ng gamit. Kumbaga, mapuno,” saad ni Ronnie. 

Gayunpaman, masaya pa rin si Ronnie na nagawa niyang mailagay sa isang silid ang kanyang mga libangan. 

“Pero sa akin okay na ‘to kasi lahat naman ng libangan ko, kumpleto naman,” aniya. 
Panoorin ang video sa ibaba: 

Maliban kay Ronnie, isa pa sa mga kilalang artista na mayroong “man cave” ay si Donny Pangilinan na nakatrabaho din ni Ronnie noon sa pelikulang James & Pat & Dave.

Ipinasilip ni Donny ang kanyang mancave Disyembre noong nakaraang taon.