• Home
  • Fresh Scoops
  • Sama-sama para isang gabi ng libreng entertainment ang prime Kapamilya stars.

Kapamilya stars to headline free digital concert

Sama-sama para isang gabi ng libreng entertainment ang prime Kapamilya stars.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/14/2021 02:29 PM
Kapamilya stars to headline free digital concert
Photo Credit: @martinnievera, @zsazsapadilla, @ogiealcasid and @garyvalenciano Instagram

Join forces para sa isang free digital concert ang mga premiyadong Kapamilya stars para tulad nina Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Lea Salonga para sa 75th Birthday celebration ng businessman na si Manny V. Pangilinan.

Libre para sa lahat ang “MVP @ 75 All-Star Concert for a Sustainable Philippines” na handog ng MVP group na mapapanood sa official Facebook page ng Gabay Guro ngayong gabi ng July 14 Miyerkoles.


Bukod sa prime Kapamilya stars, bahagi rin ng concert ang iconic singers na sina Kuh Ledesma, Pops Fernandez Basil Valdez, at National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Kapamilya stars to headline free digital concert

Hosted by Ogie Alcasid and Iza Calzado, highlight rin ng free digital show ang pagpupugay sa anim na community programs tulad ng Gabay Kabuhayan, Gabay Kabataan, Gabay Kalikasan, Gabay Komunidad, Gabay Kalusugan, and Gabay Karunungan na ilan lamang sa mga programa ng Metro Pacific Investment Corporation na pinangungunahan ng chairman na si Manny Pangilinan.

Isang special participation rin ang handog nina Korina Sanchez, Derek Ramsay, Mikee Cojuanco, Ian Veneracion, Matteo Guidicelli, at Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ang “MVP @ 75 All-Star Concert for a Sustainable Philippines” ay sa direksyon nina Louie Ocampo, Jimmy Antiporda, Nikko Rivera, Mon Faustino, at Ryan Cayabyab.