• Home
  • Fresh Scoops
  • Nahawa ng COVID-19 si Diego Loyzaga nang inalagaan niya si Barbie Imperial.

Diego Loyzaga ibinahagi ang karanasan sa COVID-19 virus

Nahawa ng COVID-19 si Diego Loyzaga nang inalagaan niya si Barbie Imperial.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

07/13/2021 04:48 PM
Diego Loyzaga ibinahagi ang karanasan sa COVID-19 virus
Photo Credit: @diegoloyzaga Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Diego Loyzaga na hindi naging malala ang epekto sa kanyang kalusugan nang tamaan siya ng COVID-19 kamakailan lang. Nawaha ang aktor ng virus habang inaalagaan ang girlfriend na si Barbie Imperial na nagka-COVID din.

“I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na yon. I was taking care of her then nagpa-test siya, it came out positive so I got to test din,” kuwento ni Diego sa PUSH at sa ilang entertainment press sa ginanap na face to face presscon ng Encounter na ipapalabas sa Vivamax simula July 23.

Nagkaroon ng COVID-19 si Barbie habang ginagawa ang Bagong Umaga series ng Kapamilya channel. Nag-positibo din sa virus that time ang ibang cast tulad nina Tony Labrusca, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, at Keempee de Leon.


Ayon pa sa aktor, asymptomatic siya nung naging positive sa test pero after two weeks nung muli siyang magpa-test ay negatibo na raw siya.

“Mas malakas lang yung resistance ko sa kanya kasi it didn’t last long sa akin. Wala akong naramdaman, I’m asymptomatic.

“Wala pang two weeks, I tested negative already. Parang it passed me lang. Pero Barbie was okay, she got better. Malakas yung si Bie, she's strong,” lahad pa ng binata.

Bagama’t parehong naka-survive sina Diego at Barbie sa COVID-19 naniniwala ang aktor na hindi talaga dapat balewalain ang nakamamatay na sakit.

Aniya, “Honestly, I’m speaking for myself, it wasn't difficult like other people experiencing (it) around the world. Yung pinagdaanan namin wasn't so bad, thank God. Pero the virus itself is not a joke kasi there's people dying around the world because of it. Pero 'yung sa aming dalawa, we were okay. Thank God.”

Bukod sa napagtagumpayang health condition dahil sa COVID-19 ay binalikan din ng Encounter lead actor ang isa pa niyang pinagdaanan.

“There was a time back in... it wasn’t just one specific time pero siguro the whole course of 2018 until late 2019—the entire year,  I was in a hot spot. There were certain things I was praying for night after night. Gabi-gabi talaga.

“And I was just saying, ‘God talagang if you just give me or show me how I can make it there. Give me this opportunity para makarating ako doon, para maging okey, para maging clear yung kailangan kong gawin,’” lahad ni Diego.

Pero hindi na nag-elaborate ang aktor kung ano ang kanyang tinutukoy na matindi niyang ipinagdasal noon.

“And every day He gave me some way or sign na, ‘Darating ka doon.’ It wasn’t just one night, eh, it wasn’t just one night. It’s how many nights of me doing the same routine, these same prayers.

“And He would give me signs talaga in the weirdest ways—whether I’d be somebody I would see na would say something to me na parang may double meaning, na parang this is God’s way of telling me na parang I’m supposed to do this or parang I shouldn’t go here or do that.

“And until it all made sense and it brought me back to where I am today and I have no one else to thank but Him talaga. Kahit kung pa’no ko pa tingnan, parang sobrang perfect naman kung sabihin kong coincidence lahat nang nangyari. I know it’s a higher power, I know it was God,” dagdag ni Diego na hindi pa rin idinetalye kung particular incident ang kanyang tinutukoy.

“I wish I can be more specific about what those things. But I leave it muna at that,” bitin niyang pahayag. “But I know talaga it’s the higher power controlling yung mga nangyayari. Sobrang galing talaga. Amazing yung power at yung kaya Niyang gawin,” huling pahayag ng leading man ni Cristine Reyes sa Encounter na Pinoy adaptation ng hit Korean series.