• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang pinagdaanan ni Bayani Agbayani bago nakamit ang kanyang tagumpay.

PANOORIN: Bayani Agbayani, binalikan ang pagiging kargador sa Divisoria para mapagtapos ng pag-aaral

Marami ang pinagdaanan ni Bayani Agbayani bago nakamit ang kanyang tagumpay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/12/2021 09:58 AM
PANOORIN: Bayani Agbayani, binalikan ang pagiging kargador sa Divisoria para mapagtapos ng pag-aaral
Photo Credit: @bayaniagbayani Instagram

Ikinuwento ni Bayani Agbayani ang kanyang pagtatrabaho noon bilang kargador para lamang mapagtapos ang kanyang sarili sa pag-aaral sa kolehiyo. 

 

 

Sa panayam ng aktres na si Aiko Melendez, binalikan ng komedyanteng ang kanyang pinagdaaanang hirap sa buhay noon.  

Ito ay matapos itanong sa kanya kung ano ang nararamdaman niya na isa pa rin sa mga sikat na awitin ang kanyang “Otso-Otso.” 

Ani Bayani, mahalaga umano para sa kanya ang “Otso-Otso” dahil naging bahagi ang mga numerong ito ng maraming bagay sa buhay niya. 

 

 

Gaya ng ibang Katoliko na naniniwala sa birheng Maria, naniniwala si Bayani na ang kanyang pagiging deboto sa naging tagumpay niya sa buhay. 

“Sabi ko, ‘Alam mo ‘yung ‘Otso-Otso’ na ‘yan, nu’ng natigil ako sa school tapos bumalik ako pinag-aral ko ‘yung sarili ko, nag-umpisa ako 1988.’ Otso-Otso na. Tapos Marian devotee ako, dinaanan ko po lahat ng religions sa buong Pilipinas, ito lang po ‘yung paniniwala ko. Naniniwala ko kay Mama Mary. Kaya ‘yung mga anak ko Maria Thalia, Rosalinda Marie, Mary Mar, at Marian Sabrina,” pagbabahagi ni Bayani. 

READ: Bayani Agbayani ibinahagi ang sikreto ng matatag na pagsasama nila ng kanyang asawa

“Ang birthday ni Mama Mary, September 8, ang Immaculate Concepcion is December 8. So dun pa lang, sabi ko may regalo pala talaga sa akin ni Mama Mary ‘yung 88,” dagdag pa niya. 

Hindi naman naiwasan ni Bayani na ikinuwento ang kanyang pinagdaanang hirap sa buhay lalo na ang paggapang niya para mapagtapos niya ang kanyang sarili sa pag-aaral. 

 

 

Nagtinda pa umano ng kung anu-ano si Bayani para lamang mapagtapos ang kanyang sarili sa elementarya. 

“Kasi po, ang hirap. Nako po, sobrang hirap po ng pinagdaanan ng buhay ko since [nasa] elementary school palang ako. Nagtitinda ako ng mais, nagtitinda ako ng kahit na ano bago ako pumasok ng iskwelahan. Elementary ha,” aniya niya. 

READ: Bayani Agbayani, minsan nang binilhan ni Sharon Cuneta ng mga mamahaling sapatos

“Isipin mo nag-high school ako, hindi naman ako taga Maynila. Ewan ko kung sisihin ako ng Araullo. Pumasok ako ng Araullo ng address ko ay Pandacan — taga FTI Taguig naman ako — dahil 88 pesos lang ang tuition dun,” dagdag pa niya. 

Maliban sa pagtitinda, pinasok din ni Bayani ang pagiging kargador para lamang mapagtapos ang kanyang sarili sa kolehiyo. 

“Nakatapos ako ng college, nagkargador ako sa Divisoria. Nag-waiter pa ako. Lahat pinasok ko basta malinis na trabaho, marangal. Pinasok ko po lahat ‘yan para lang makapag-aral ako,” ani Bayani. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, ibinahagi ni Bayani na ganito din umano ang ipinapangaral niya sa kanyang mga anak. 

“‘Yun nga ang binigay ng nanay ko na pangaral. Magtrabaho ka ng marangal, magtapos ka ng pag-aaral mo, para may baon ka sa iyong future. Kaya iyon din ang sinasabi ko sa mga anak ko. Eh ang mga anak ko naman matatalino,” saad ni Bayani.