• Home
  • Fresh Scoops
  • Inspirasyon ng karamihan ngayon ang laban sa buhay ni Bea Rose Santiago.

Bea Rose Santiago, nagbigay update sa kaniyang kalusugan

Inspirasyon ng karamihan ngayon ang laban sa buhay ni Bea Rose Santiago.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

07/12/2021 06:18 PM
Bea Rose Santiago, nagbigay update sa kaniyang kalusugan
Photo Credit: @bea.santiago Instagram

Highlight ng naganap na coronation night ng Binibining Pilipinas nitong Linggo ang digital guesting ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago.

Si Bea Rose ay kasalukuyan nasa Canada kung saan hinaharap niya ang sariling laban sa kaniyang kalusugan.

Matatandaan na taong 2018, inamin ng beauty queen na hinaharap niya ang laban sa kaniyang chronic kidney disease na dahilan para sumailalim siya sa dialysis.


Sa update ni Bea Rose, limang beses sa loob ng isang linggo siya sumasailalim sa dialysis.

Hindi biro ang laban na ito ni Bea Rose para sa kaniyang kalusugan. Gayun pa man, hindi pinanghihinaan ang 2013 Miss International ang kaniyang sariling laban na hinahanggan ng karamihan ngayon.

“It’s either you get better or you get bitter. It’s really that simple,” sambit ni Bea Rose. “You gave to take what has been dealt to you and allow it to make you a better person, a better version of yourself or it will consume you.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

 

Patuloy ni Bea Rose, tulad nang kaniyang naging laban noon, nais pa rin niyang maging inspirasyon sa karamihan ngayon na humaharap sa sariling laban ng kanilang buhay.

“I don’t want my pain to make me a victim. I want my story, my battle to make me someone else’s inspiration,” ani Bea Rose.

Speaking of inspiration, nagbalik-tanaw rin ang 2013 Miss International sa naging journey niya sa laban sa International stage.

Matatandaan na taong 2013 din ng hinagupit ng bagyong Yolanda ang Pilipinas na parehong taon ng kinoronahan siya bilang Miss International.

“My experience as Miss International and as a beauty queen… was full of awesomeness, smiles and just positive energy. That energy inspires confidence. I learned that if you want light to come into your life, you need to stand where it is shining,” kuwento ng beauty queen.

Para kay Bea Rose, isa lang ang nakikita niya na sikreto ng tunay na inspirasyon.

“You have to think positively and you are braver than you believe and stronger than you think. I think that’s the kind of mindset that I choose to live by,” pahayag ng beauty queen.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bea Rose (@bea.santiago)

 

Si Bea Rose ay ang ika-apat na Pinay beauty na nakasungkit ng Miss International title para sa Pilipinas.

Kung papalarin si Hannah Arnold ng Masbate ang ika-anim na Pinay beauty na makakapag uwi ng korona ng Miss International na huling nasungkit ni Kylie Verzosa noong 2016.