• Home
  • Fresh Scoops
  • Kampante si Judy Ann Santos na magbubukas muli ang pinto ng kanyang programa sa oras na mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Judy Ann Santos, naniniwalang makakabalik ang programa, mabibigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN

Kampante si Judy Ann Santos na magbubukas muli ang pinto ng kanyang programa sa oras na mabigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

07/01/2021 08:36 AM
Judy Ann Santos, naniniwalang makakabalik ang programa, mabibigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN

Sa pagtatapos ng Paano Kita Mapasasalamatan, sinabi ng nag-iisang Judy Ann Santos na muling makakabalik sa ere ang kanyang programa sa oras na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. 

 

 

Sa video na inilabas ng B617 Management, makikita ang pagiging emosyonal ni Judy Ann habang binibitawan ang kanyang spiel para sa huling episode ng kanyang programa na isang taong umere sa Kapamilya Channel.

Ani Juday, malaki ang kanyang pasasalamat sa Kapamilya network sa pagkakataon ibinigay sa kanya. 

“I am so grateful na binigay sa akin ng management itong show na ‘to,” saad ni Juday. 

“Kailangan natin ipakita sa mga tao kung gaano kalayo ang nararating ng kindness. Hindi naman kailangang malaking bagay ang ibigay mo sa isang tao. Kahit smile nga lang ‘yan, kindness na ‘yun. Libre pa. Nakakatuwa na parte ako ng isang programa na nakapagpatuloy ng chain of kindness,” sambit pa niya. 

Sa kabila ng lahat, naniniwala naman si Juday na muling makakabalik ang kanyang programa sa oras na mayroon ng prangkisa muli ang Kapamilya network. 

“Positive ako, dahil sa ganda ng show na ito, babalik ang ‘PKM’ — nang may network na kami. Ganiyan ako ka-positive,” saad ni Juday. 

Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Juday na masaya siya na marami ang na-inspire sa kanyang programa sa kabila ng kalungkutan na naramdaman niya sa pagtatapos nito. 

“Kasabay ng lungkot, ay ang ngiti sa mga puso naming lahat dahil alam naming maraming tao ang may mabubuting puso, at marami ring nagkaroon ng pag asa at marami ring na inspire.. at mapalad kami dahil nagawa naming maibahagi sa inyong lahat ang mga kwentong nagbibigay ng pag asa sa ating lahat .. na sa kabila ng problema, pandemya at kaguluhang nangyayari sa ating paligid.. hinding hindi mawawala ang kabutihan ng bawat tao,” saad ni Juday.

Hunyo noong nakaraang taon nang unang mapanood sa telebisyon ang Paano Kita Mapasasalamatan sa Kapamilya Channel. 

Ang Kapamilya Channel ang cable channel kung saan nilipat ang mga programa ng ABS-CBN matapos mabigong bigyan ng prangkisa ng Kongreso ang nasabing network.