• Home
  • Fresh Scoops
  • Bukod sa kanyang paghanga kay Sunshine Cruz bilang single mom, sinabi ni Geneva Cruz na inspirasyon niya ang pinsan sa kanyang pagiging totoo at vocal.

Geneva Cruz, inspirasyon ang pinsang si Sunshine Cruz sa pagiging vocal

Bukod sa kanyang paghanga kay Sunshine Cruz bilang single mom, sinabi ni Geneva Cruz na inspirasyon niya ang pinsan sa kanyang pagiging totoo at vocal.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

07/01/2021 10:47 AM
Geneva Cruz, inspirasyon ang pinsang si Sunshine Cruz sa pagiging vocal
Photo Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Sa unang pagkakataon, magkasamang bumisita ang magpinsan na sina Sunshine at Geneva Cruz sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Hunyo 30.

Sa programa, naikwento ng magpinsang Cruz na naging malapit sila sa isa't isa dahil sa kanilang mga ama na magkasama noon sa isang banda. 

 


 

"Sigurado ako na naging close kami kasi noong mga bata kami, palagi nang magkasama 'yung Papa niya tsaka Papa ko dahil nga nasa banda. So na-expose kami sa isa't isa. And other than that, pareho kami ng generation. Kumbaga halos magkakaedad kami nila Donna [at Sheryl]. So somehow, when we grew up, we got to know each other better, parang nagkaroon ng vibration, ng energy..." paliwanag ni Geneva.

Ngunit ayon kay Sunshine, mas naging malapit sila ni Geneva noong naging mag-asawa na sila ng action star na si Cesar Montano. 

"Before, of course, lumalabas na, nagkikita kita 'yung mga relatives, lahat kami. Pero kung kailan ako nagkaroon noon ng asawa mas naging madalas si Gen sa bahay. [Wala siyang asawa] so ako lagi 'yung kasama niya. Siyempre, kapag nagtatrabaho noon 'yung kasama ko, siya 'yung kasama ko," aniya.

Sa programa, ibinahagi rin ng dalawa kung ano ang pinaka-hinahangaan nila sa isa't isa.

"Well, as a mother, napakabuting magulang ni Geneva talaga. Nakikita ko siya kung papaano siya kay Heaven, now kay London, and bilang isang anak at kapatid, alam ko ring napaka-generous. Minsan nga kunyari meron na lang siyang isang cheeseburger siguro, kahit gutom na gutom siya ibibigay niya pa 'yan sa mahal niya sa buhay. Ganun si Geneva," ani Sunshine. 

"Ay nako. Hanga na 'ko diyan nung sila pa nung ex niya kasi talagang very hands-on siya. Tsaka matapang 'yan si Shine, nako. Hindi pwede 'yung medyo umaarte arte 'yung anak, 'di ba. Talagang pagsasabihan niya. Pero mas lalo akong humanga nung naghiwalay sila, kasi nakita ko 'yung gusto niya na talagang maiangat niya 'yung mga anak niya, 'yung family niya. Kahit nga hindi masyadong tumulong 'yung asawa, kakayanin niya kahit siya lang. I mean, 'di ba. Nakakabilib. Doon ako lalong rumespeto kay Shine," sabi naman ni Geneva. 

Bukod sa kanyang paghanga kay Sunshine bilang single mom, sinabi rin ni dating miyembro ng grupong Smokey Mountain na inspirasyon niya ang pinsan sa kanyang pagiging totoo at vocal. 

"Sabi ko nga, she'll always be one of those people na talagang na-inspire ako na mas maging totoo sa sarili ko, to be more vocal as well as a woman. Because I was very quiet. I wasn't shy, I was just quiet. I wouldn't say a lot of... 'yung mga opinions ko kumbaga tinatago ko lang. But minsan, okay pala na nagsasalita," ani Geneva.

"At ngayon mas matapang na sa 'kin si Geneva at mas vocal online! At kapag merong mga bashers, ang galing sumagot eh!" dagdag ni Sunshine. 

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita si Geneva matapos niyang buweltahan ang isang netizen na tinawag siyang "pinakapangit" sa mga magpipinsang Cruz.

BASAHIN: Geneva Cruz sa bashers: ‘Sometimes, they need a dose of their own medicine’

Sa kanyang tugon, iginiit ni Geneva na walang pangit sa kanyang pamilya.

"Walang pangit na tao. Ugali mo lang ang pangit. Which makes you... pangit. You need a hug," matapang na sinabi ng singer.

Ayon pa kay Geneva, hindi siya naapektuhan sa nasabing komento dahil kumportable siya sa kanyang balat at kahit ano pang sabihin ng iba tungkol sa kanyang itsura ay walang kaso sa kanya ito. 

"I wasn’t affected sa sinabi niya. I love how I look, and I’m comfortable in my skin. Even when I was still with the Smokey Mountain group, I felt beautiful na. Kahit ano pa ang sabihin ng iba so walang kaso sa 'kin yan. Gusto ko lang siya i-highlight since 'yun ang gusto niya... 'ATTENTION'," aniya.