• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin din ni Claudine Barretto wala silang closure noon ni Mark Anthony Fernandez.

Claudine Barretto inaming na-ghost niya noon si Mark Anthony Fernandez: ‘Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinakamabait’

Inamin din ni Claudine Barretto wala silang closure noon ni Mark Anthony Fernandez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/09/2021 04:13 PM
Claudine Barretto inaming na-ghost niya noon si Mark Anthony Fernandez: ‘Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinakamabait’
Photo Credit: @claubarretto and @vivaartistsagency Instagram

Aminado sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na walang naging close sa kanilang naging relasyon noon na tumagal din ng halos dalawang taon. Magkasama ang ex-couple sa pelikulang Deception ng Viva Films na ididirek ni Joel Lamangan.

“What happened kasi sa amin ni Mark was parang na-ghosting ko yata siya,” pagtatapat ni Claudine sa PUSH. “Siguro, one day we just woke up na parang, ‘Ah okey, mas importante ang career.’

“Kasi at 16, Mark and I were working together already and we were really very young. It was talagang young love, pero mapusok. We never had a closure,” kuwento pa ni Claudine.


Hindi rin daw sila nagalit sa isa’t isa pagkatapos ng nangyaring hiwalayan na walang closure.

Ani Claudine, “We never hated each other and we never spoke ill of each other ever. So, that’s the one thing na talagang gustung-gusto ko kay Mark because he never spoke ill of me ever.

“Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinakamabait… pinakamabait. Wala talagang masamang tinapay kay Mark – wala.”

READ: Claudine Barretto sa pansamantala pagtalikod sa showbiz para sa mga anak: ‘It was a very painful decision’

Kinuha din namin kung ano ang reaksyon ni Claudine sa sinabi ni Mark sa isang interview na “love is lovelier the second time around.

“Narinig ko nga yan. Kagabi tinawagan ko siya. Sabi ko, ‘Mark, ano yung sinasabi mo na love is lovelier the second time around?’ Wala lang, tawa lang kami nang tawa.

“The good thing about Mark and I, we never really had a problem. So, even if wala kaming closure sa relationship namin before, he has always been the same Mark na minahal nating lahat.

“Alam naman nating lahat na napakabuting tao ni Mark. Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko yan,” deklara pa ng aktres.

READ: Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez reunion movie matutuloy na

Dugtong pa ni Claudine, “Mark and I, we haven’t seen each other, but we’re talking on the phone. Marami kaming napag-usapan about our past, about this movie. There are a lot of things na napag-usapan namin. Napagdaanan namin and na-experience namin, na I think now, talagang perfect timing to do this movie with Mark.

“Kaya siguro hindi natuloy yung mga dating pelikula because itong pelikulang ito ang nararapat para sa amin.”

Kailangan pa ba ng forgiveness mula sa isa’t isa para mas maging maayos ang muli nilang pagtatrabaho sa Deception?

Tugon ni Mark, “Ako, ang reaksyon ko diyan never kinailangan ng forgiveness. We always wanted to do a project together, we just didn’t have the right material nung time na yon. We were never enemies, in fact we never had a closure.

“Pero we always remain friends and I think I always like her and she always likes me back kahit hindi na kami.”

“Yung forgiveness, siguro if meron mang dapat humingi ng forgiveness ngayon ako yon,” sagot naman ng award-winning actress.