• Home
  • Fresh Scoops
  • Umabot sa 2.3 milyong piso ang bill nila Nicole Hyala nang ma-ospital ang kanilang anak na si Princess dahil sa sakit na viral encephalitis.

PANOORIN: Nicole Hyala, bumuhos ang luha nang balikan ang pinagdaanang sakit ng kanyang anak

Umabot sa 2.3 milyong piso ang bill nila Nicole Hyala nang ma-ospital ang kanilang anak na si Princess dahil sa sakit na viral encephalitis.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/08/2021 05:11 PM
PANOORIN: Nicole Hyala, bumuhos ang luha nang balikan ang pinagdaanang sakit ng kanyang anak
Screenshot from PapamFam ni Nicole Hyala YouTube Channel

Hindi napigilan ang pagbuhos ng luha ng sikat na DJ at personalidad sa radyo na si Emmylou Gaite-Tiñana o mas kilala bilang Nicole Hyala nang balikan ang pinagdaanan na sakit ng kanyang anak. 

 

 

Ani Nicole, nanatili ng isang buwan sa isang ospital ang kanyang anak na si Princess dahil sa hindi inaasahang sakit na viral encephalitis o pamamaga ng utak. 

Pagbabahagi ni Niole, nagulat sila nang malaman ang kondisyon ng kanilang anak lalo pa’t hindi ito pangkaraniwang sakit. 

DJ Nicole Hyala keeps mum on Papa Jack's reason for leaving their radio station

"'Yung doctors, unti-unti na nilang sinasabi sa amin na, 'Alam mo, Mommy, akala namin talaga hindi magre-recover si Princess,’” aniya. 

“Of course, meron kaming ginagawa para sa sakit niya, but we do not want to attribute itong paggaling niya sa paggawa namin. We attribute it to God,’” dagdag pa nito.

 

 

Hiling naman ni Nicole na hindi pagdaanan ng ibang magulang ang pinagdaanan nila. 

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Nicole lalo pa’t 39,000 lamang ang binayaran nila sa higit 2.3 milyong piso na bill nila sa ospital. 

READ: Radio DJ Nicole Hyala reacts to a netizen's body-shaming comment

Malaki naman ang pasasalamat ng anak nila na sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanya. 

Sa ngayon, dadaan muna sa iba’t-ibang therapy sessions bilang bahagi ng kanyang pagpapagaling si Princess.

Sa buong vlog na umabot ng 44 minuto, makikita ang iba’t-ibang video na kinunan sa buong panahon na nakibaka ang kanilang anak sa naturang sakit.

“Ito ay kwento ng tagumpay. Kwento ng pagmamahal ng Diyos at ng Kanyang milagro. Kwento kung paano namin napagtagumpayan ang pagsubok,” saad ni Nicole sa caption ng kanyang YouTube video. 

Nakilala si Nicole Hyala bilang isa sa mga DJ ng radio station na Love Radio.