• Home
  • Fresh Scoops
  • Para kay Claudine Barretto, ang pagiging ina ang kanyang top priority.

Claudine Barretto sa pansamantala pagtalikod sa showbiz para sa mga anak: ‘It was a very painful decision’

Para kay Claudine Barretto, ang pagiging ina ang kanyang top priority.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/08/2021 11:40 AM
Claudine Barretto sa pansamantala pagtalikod sa showbiz para sa mga anak: ‘It was a very painful decision’
Photo Credit: @claubarretto Instagram

Wala nang atrasan ang pagbabalik sa showbiz ni Claudine Barretto na matagal ding namahinga sa paggawa ng pelikula. Ang magiging comeback movie ng dating Kapamilya actress ay ang pelikulang Deception na ididirek ni Joel Lamangan na joint venture ng Viva Films at Borracho Films.

Ang Deception ay magiging reunion movie rin ni Claudine at ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez na huling nagkasama sa Star Cinema movie na Mangarap Ka 26 years ago.

READ: Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez reunion movie matutuloy na


Ayon kay Claudine, hindi niya pinagsisihan na pansamantalang tinalikuran ang showbiz at iniwan ang pag-arte.

“Actually, it was a very painful decision for me,” pagtatapat ng Optimum Star sa PUSH. “When Raymart (Santiago) and I, nung naghiwalay kami, I felt that I really had to step back from show business because kailangan ako ng mga anak ko.

“I didn’t want them to feel na, one day, paggising nila, wala na silang nanay, wala na silang tatay. It was a very painful decision but of course, at the end of the day, my priority will always be my children,” dagdag niyang pahayag sa PUSH.

Kuwento pa ni Claudine sa amin, nagpaalam siya sa mga anak na babalik na siya sa pag-aartista at pinayagan naman daw siya.

Lahad ng aktres, “Both Santino and Sabina said na, ‘It’s okay mommy, you can work already, we’re big already.’ And looking at them now individually, I think tama lang ang naging desisyon ko na bantayan ko ang kanilang paglaki. And I will never ever regret stepping back.

“My top priority will always be motherhood. It’s something that you cannot say na, ‘Okay, break muna ako.’ But my passion will always been showbusiness. This is all I know and this is what I think I’m good at.

“And now that my children are bigger na—Sabina is turning 17, Santino is turning 14, so I have two big kids already and then I have two small ones—I have a six-year-old and I have a three-year old—so yon naman yung tinututukan ko.”

WATCH: The Beautiful Family of Claudine Barretto | Push Pins

Sa June 10 na magsisimula ang syuting ng Deception at ayon kay Claudine ay magtutuluy-tuloy na siya sa showbiz pagkatapos gawin ang pelikula.

Eh, bakit nga ba niya tinanggap ang movie project kasama ang ex-boyfriend?

“First of all, I said yes to this project because it’s different, the story is different. It’s not a Filipino movie that you usually get to watch and also.

“This is directed by Direk Joel Lamangan, he’s very close to my heart. Basta sinabing Joel Lamangan, hindi ako hihindi talaga. And also a reunion for Mark and I. Parang ang tagal-tagal nang pinagpaplanuhan yung reunion na 'to, ngayon lang talaga nangyari,” tugon ng aktres.

“Tinanggap ko talaga yung film. At the same time, also to support Borracho Films, which my best friend, si Atty. Ferdinand Topacio, is producer. I’m really excited kasi if your read yung storyline namin, ibang-iba talaga siya,” huling pahayag ni Claudine sa PUSH.