• Home
  • Fresh Scoops
  • Lorin Gutierrez pinaalalahanan ng kanyang Tito Richard kung paano dapat mag-behave sa taping at sa tamang paghawak ng pera

Lorin Gutierrez, mas strict pa daw ang inang si Ruffa kaysa sa lolang si Annabelle Rama

Lorin Gutierrez pinaalalahanan ng kanyang Tito Richard kung paano dapat mag-behave sa taping at sa tamang paghawak ng pera

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2021 09:00 AM
Lorin Gutierrez, mas strict pa daw ang inang si Ruffa kaysa sa lolang si Annabelle Rama
Photo credit: @loringabriella and @iloveruffag Instagram

Ayon kay Lorin Gutierrez, hindi na raw stage lola ngayon si Annabelle Rama na katulad dati. Mas strict daw sa kanya ang mommy niyang si Ruffa Gutierrez niya.

Actually, out of everyone, I’d say yung mommy ko yung pinaka-strict—compared to how my lola was with my mom. Parang hindi naman siya ganoon ka-strict with me. I don’t know if it’s kasi maybe she already let out all her strictness sa mommy ko.

“So, ngayon, di na siya gaanong stage lola. But I definitely say, my mom is strict. Merong common misconception na sobrang strict yung lola ko, sobrang strict yung family ko. But hindi naman ganyan. Actually, they’re pretty okay naman. They let me do own things, trust me,” natatawang kuwento ni Lorin sa PUSH.


READ: BAWAL ANG BOYFRIEND: Ruffa Gutierrez may restrictions kay Lorin sa pagpasok nito sa showbiz

When asked kung ano ang ibinigay na advice sa kanya ng uncle na si Richard Gutierrez na papanood ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano ay naalala niya raw ang sinabi nito na dapat ay handa siya sa mahabang oras ng pagtatrabaho sa tapings or shooting.

“He said there’s gonna be a lot of hard work to put into it, kasi siyempre, before my tito was working so much, he wouldn’t come home until mga 6 a.m., ganun. And he just said drink a lot of coffee and be ready for the long hours of waiting on set.

“Sabi din niya na it’s not all glamor, it’s a lot of hard work, a lot of long hours and there’s a lot that goes into it so definitely to be ready for all of that. Not just all the glitz and glamour but also the time you have to wait on the set for five hours, six hours—waiting for the next take,” wika pa niya.

Pinayuhan din daw siya ng kanyang tito na ingatan ang kanyang mga perang kikitain.

He told me to, ‘Save your money, make wise investments. Just because you’re successful, you shouldn’t spend everything immediately,’” lahad ng panganay ni Ruffa.

READ: Lorin Gutierrez on doing sexy roles: ‘That’s a definite no!’

Isinapuso din daw niya ang advice naman ng kanyang lolo (Eddie Gutierrez) na may kinalaman naman pagdating sa pag-arte.

Pagbabahagi ni Lorin, “I think that the best advice that my lolo gave me is that, ‘If you’re gonna do it, do it because you love it. My lolo has been an actor for so many decades and even until now, when he has a role, he still takes it because of his love for the craft. And kasi he really does love acting.

And he said that when you love acting, it will show through your performances onscreen. And he told me to always remember that passion. Hindi lang siya job, it’s also something that you love to do—it’s a passion, it’s a hobby, it’s an art. It’s more than just a job or a title.

It’s more than the followers, it’s more than the endorsements. At the end of the day, it’s really you and your art. I think that’s the best advice he gave me kasi he reminded me what acting really is about.”

Pumirma ng management contract si Lorin sa  Viva Artists Agency (VAA) at kasalukuyan pang pinag-aaralan kung ano ang magiging first project niya sa Viva.