• Home
  • Fresh Scoops
  • Meron ding eight-year age gap sina Kim Molina at Jerald Napoles.

Kim Molina at Jerald Napoles, handa na sa ‘7 year itch’ ng kanilang relasyon

Meron ding eight-year age gap sina Kim Molina at Jerald Napoles.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/06/2021 09:34 AM
Kim Molina at Jerald Napoles, handa na sa ‘7 year itch’ ng kanilang relasyon
Photo credit: @iamjnapoles Instagram

Anim na taon na ang relasyon nina Jerald Napoles at Kim Molina na parehong bida sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam ng Viva Films. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magkasam sa stage musical na Rak of Aegis six years ago.

Thirty-eight years old na si Jerald (birthday on March 2) samantalang si Kim (birthday on July1) ay 29 na. Pero until now, walang malinaw na plano kung kailan ba nila balak magpakasal o i-level-up ang kanilang relasyon.

“Ano po, eh, kasi late bloomer kami sa career. We want to maximize po sana kung ano po yung kayang i-offer pa namin para mas solido yung pundasyon kung saan man kami papunta in the near future,” reaksyo ni Jerald sa usaping kasal.


“Pero hindi naman po namin inaalis sa isip namin yung mga ganung bagay. Sa ngayon lang po kailangan po na… para sa akin at naniniwala naman po si Kim dito at nasabi ko na rin sa kanya especially during this pandemic, it’s a day-to-day basis approach.

“Mahirap pa kasing magplano ngayon regarding sa ganyan. We need to survive muna now and then let’s plan it together again after the year and see what happens.

Maybe we can plan something else to both of us, but for now as far as we have careers because a lot of people ay nare-retrench, nawawalan ng trabaho, maraming nawalan ng career kaya sa ngayon trabaho muna yung focus natin,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Jerald.

READ: Kim Molina on eight-year age gap with boyfriend Jerald Napoles: ‘We connect with everything’

Aware din ang showbiz couple sa tinatawag na “seven-year itch” at handa na raw sila dito. Sa isang relasyon ay masasabing kritikal ang ika-7 taon. Dito raw kasi masusubok ang katatagan ng dalawang nag-iibigan, pero kapag nalampasan naman nila ito ay magiging okey na ang mga susunod pang taon.

“Ako na lang ang magsasalita tungkol diyan kasi usually kaming mga lalaki ang nakasalang sa ganito, eh. Ano po, eh, constant communication and kailangan n’yong pag-usapan lahat sa fourth year pa lang habang papuntang fifth, sixth, seventh year para hindi kayo nagtatago sa isa’t isa.

“Kumbaga on the sixth year you’ve been talking about what’s happening, is it growing, parang may ganun lang para sa seventh year n’yo parang renewal of contract na lang kumbaga. Kasi basically, maski naman po akong lalaki on the sixth year aware ka na na, ‘Uy, may narinig akong seventh year itch. Ano ba yon? Sana hindi yon mangyari sa amin?’

To be honest, of course nasa utak ko yon at kailangang napi-preempt mo na siya. Kung ano ba yung bagay na magiging dahilan,” lahad pa ni Jerald na sinang-ayunan naman ni Kim.

READ: Kim Molina nag-apologize kay Jerald Napoles dahil sa selos: ‘I’m human also so I felt certain emotions’

Samantala, kinumusta ng PUSH si Kim kung nagkakausap pa ba sila ni Dimples Romana na kasama niya noon sa afternoon hit series na Kadenang Ginto. Sa naturang serye ay gumanap si Kim bilang matalik na kaibigan ni Dimples.

“Halos everyday po ay nag-uusap pa rin kami ni Ate Dimples. Hindi ko alam kung puwede na itong sabihin, pero meron po kasi akong nai-shoot recently na isang project na malalaman n’yo rin naman po kung ano yon. Hanggang ngayon kausap ko si Ate Dimples at siya rin po talaga ang mentor ko.

Mentor ko talaga siya sa lahat ng bagay, kahit sa life she’s my sister. Yeah, we still talk, we’re still very in touch with each other,” huling pahayag ni Kim sa PUSH.