• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang pakiusap rin ang hiling ng ex-boyfriend na ngayon ni Rabiya Mateo.

‘We’re not together anymore’: Neil Salvacion at Rabiya Mateo, hiwalay na

Isang pakiusap rin ang hiling ng ex-boyfriend na ngayon ni Rabiya Mateo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/05/2021 08:17 AM
‘We’re not together anymore’: Neil Salvacion at Rabiya Mateo, hiwalay na
Photo credit: @neilow Instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram story post, kinumpirma ni Neil Salvacion ang tunay na kalagayan ng relasyon nila ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Kasunod ito nang tila hindi magagandang ulat na naglabasan sa ugnayan umano at pagiging malapit ng former Pinoy Big Brother Housemate at model na si Andre Brouillette sa Pinay beauty queen na kasalukuyan rin nasa Amerika ngayon.

READ: Andre Brouillette, binabakuran na nga ba si Rabiya Mateo?


Sa isang mahabang IG story, inilabas ni Neil ang kaniyang saloobin sa pinagdaanang isyu.

“Spreading rumors without even knowing the real story is just too much. We don’t deserve all the negativities manifested towards us, esp (especially) towards Rab (Rabiya Mateo), she worked hard to achieve whatever she has right now and she deserves it all.”

Patuloy pa ni Neil: “It’s NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, it’s better to keep it within yourself.”

Sa bahagi rin ng mahabang pahayag nito, isang pag-amin na mismo ang binitiwan ni Neil kaugnay ng tunay na estado ng kanilang relasyon ni Rabiya.

“The real thing is, we’re not together anymore, but we’re both okay, moving forward, we talked and we’re both happy with our own lives,” sambit nito.

READ: Rabiya Mateo, single na nga ba ngayon?

Nagtapos man ang kanilang relasyon, naniniwala aniya si Neil na gabay pa rin ito ng Panginoon sa kanilang dalawa ng dating nobya.

“We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason and that is for the better,” sabi pa niya.

Hindi rin maitatangi na base sa post ng dating nobyo ni Rabiya ay tumatanggap ng pambabash at hate comments ito mula sa netizens. Kaya naman isang pakiusap rin ang binitiwan ni Neil.

“It doesn’t cost a cent to be kind guys, let’s spread kindness and be respectful towards each other, may it be through thoughts, words or deeds.

“Palangga-anay lang ta nyo bala! Padayon sa kabuhi.”

[Magmahalan tayong lahat at magpatuloy sa buhay]

 

 

Screenshot from @Neilow IG

Si Neil ay ang anim na taong karelasyon ni Rabiya na kaniyang nakilala noong sila ay parehong nasa kolehiyo sa Iloilo City.