• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pinalampas ng Beks Battalion ang pagkakataon na ma-prank si Vice Ganda sa sarili nitong bahay.

PANOORIN: Vice Ganda, prinank ng Beks Battalion sa sarili niyang bahay

Hindi pinalampas ng Beks Battalion ang pagkakataon na ma-prank si Vice Ganda sa sarili nitong bahay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/30/2021 03:29 PM
PANOORIN: Vice Ganda, prinank ng Beks Battalion sa sarili niyang bahay
Screenshot from BEKS BATTALION YouTube Channel

Na-prank ng Beks Battalion ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa sarili nitong bahay. 

 

 

Sa pinakabagong vlog ng Beks Battalion, inanyayahan sila ni Vice Ganda sa isang house tour sa mansion ng It’s Showtime host. 

Ngunit sa halip na ordinaryong house tour vlog, pinili ng Beks Battalion na gumawa ng “Ignoring Prank.” 

Hindi naman agad napansin ni Vice ang prank sa kanya. Ngunit sa kalaunan, napansin din niya ito.

“Ignoring Vice Ganda pala ‘to. Sabi nila house tour,” malungkot na pagkakasabi ni Vice. 

PANOORIN: Beks Battalion, ipinasilip ang naipundar na bahay

Unti-unti namang napikon si Vice nang nakarating na ang Beks Battalion sa home theater ng komedyante. 

“Sabi niyo house tour. Wala kayong sinabing Ignoring Vice Ganda. Ginagago niyo ako sa bahay ko. Mukha kayong tanga,” saad ni Vice. 

“Mukha kayong tanga. Na-iimbyerna ako. Napipikon ako sa inyo,” sambit ni Vice habang naglalakad papuntang kusina ang tatlong magkakaibigan. 

Nang ipatikim ang inorder na pagkain mula sa isang sikat na fastood chain, unti-unti nang pinansin nina MC, Lassy, at Chad Kinis ang Unkabogable Star. 

 

 

“Siyempre hindi ka naman namin ma-iignore ng buong [vlog] Ikaw pa ba ang i-iignore namin?” ani MC.

“Sabi niyo kasi, tour. So, papasok kayo sa bahay ko tapos i-wewelcome ko kayo. I-iintro niyo ako tapos i-wewelcome ko kayo tapos ito-tour. Tapos sabi ko ‘Bat di pa ako tinatawag?’” sagot ni VIce. 

Pagpapatuloy nito: “Tapos nasa kabayo na kayo hindi ko alam kung sisingit ba ako o hindi. Ang dami na talaga nilang nilalakad tapos hindi talaga nila ako pinapansin. Nakakabastos pala talaga. Tsaka bahay ko ‘to eh.”

PANOORIN: Vice Ganda, niregaluhan ang Beks Friends ng jacuzzi

“Tsaka willing siyang i-tour tayo tapos iniiwan natin siya. Pinakamalala dun, bahay niya,” sambit naman ni Chad. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Sa huli, natuloy pa rin ang house tour ng Beks Battalion sa bahay ng kaibigan.