Ibinahagi ng Hashtags member na si Kid Yambao ang kanyang pinagdaanan kamakailan kabilang na ang pagkakakakulong ng kanyang sariling ama at pagkaubos ng kanyang naipong pera.
Sa panayam ni Kid sa manager nito na si Ogie Diaz, malungkot na ikinuwento ni Kid ang kanyang naging karanasan nitong mga nakaraang buwan lalo na nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya network.
Bagama’t gusto niyang buoin ang kanyang pamilya, tila mahihirapan siyang gawin ito lalo pa’t nakulong kanyang ama Oktubre noong nakaraang taon.
“Nakakulong si erpats. Nung October pa,” ani Kid.
Samantala, ibinahagi ni Kid na naubos umano ang naipong niyang pera matapos takbuhan ng kanyang tiyuhan kung kanino siya mamuhunan.
“Kasi ‘di ba nag-invest ako sa’yo before, nabalik ko. Okay, kayod. Ngayon, hindi ko pa nasasabi sa’yo mga na nawala na ‘yung pera ko," saad niya.
“In-invest ko sa tiyuhin ko na nangyari, tinakbuhan din daw siya. So nung pandemic, wala. As in wala, ma. Walang raket, walang pera. As in ma, simot lahat. Binigay ko lahat. Tapos nahuli pa si erpats,” dagdag pa ni Kid.
“Ito ‘yung ginawa sa akin ng pandemic, nawala lahat ng pera ko, nakulong ‘yung erpats ko. Dasal pa rin eh. Dasal pa rin ma.”
Pinatos naman umano ni Kid ang iba’t-ibang proyekto para lamang kumita ng pera gaya ng BL series na Diving Into Love kasama si Axel Torres.
Pinangako niya sa kanyang mga kapatid na gagawin niya ang lahat para lamang bumalik ang lahat sa dati.
“Ang ginawa ko sa pera, inipon ko. Nag-start ako ng mga pwedeng ibenta, pwedeng gawin sa pera. Hanggang sa ‘yung na-invest ko dati na pera sa farm, biglang out-of-nowhere nag-produce ‘yung aso ng malaking pera na nakapagbuhay ng isang buwan,” saad ni Kid.
Bagama’t na-scam, sinabi ni Kid na hindi ito dahilan para huminto umano sa kanyang pagkayod.
“‘Yung ginawa ko sa pera, hindi ko hinawakan eh. Once kasi na-scam ka na, naloko ka na, hindi lang ‘yun. Maraming beses pa ‘yan. Hindi ka pwedeng huminto du’n kasi ‘pag huminto ka, dun ka matatalo sa negosyo,” aniya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Samantala, nakapag-invest din si Kid sa iba’t-ibang negosyo gaya ng clothing line, sapatos, at vape.
Ngayon, nararamdaman na umano ni Kid na unti-unti na siyang bumabangon.