• Home
  • Fresh Scoops
  • Ngayong araw gaganapin ang kasalang Ara Mina and Dave Almarinez.

EXCLUSIVE: Ara Mina at Dave Almarinez ikakasal ngayong June 30, 2021 sa Baguio City

Ngayong araw gaganapin ang kasalang Ara Mina and Dave Almarinez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/30/2021 11:40 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina at Dave Almarinez ikakasal ngayong June 30, 2021 sa Baguio City

Ngayong June 30, 2021 (Miyerkoles) ang kasal ng aktres na si Ara Mina sa kanyang fiancé na si Dave Almarinez. Gaganapin ang wedding ceremony sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel ng 3 p.m.

June 28 pa lang ay umakyat na ng Baguio sina Ara at Dave para sa rehearsal ng kanilang wedding at para asikasuhin na rin ang iba pang detalye nito.

June 29 naman sumunod ang ibang entourage ng couple kagaya ng bridesmaid, groomsmen, principal sponsors, at iba pang magiging bahagi ng kasalan kasama na ang ilang malalapit na kaibigan na kanilang inimbita.


WATCH: Ara Mina, ibinahagi ang detalye ng kanyang nalalapit na kasal | PUSH Daily

Mahigpit pa ring ipinatutupad ngayon ang safety protocols dito sa Baguio City kaya lahat ay required na magpa-swab test bago pa lang umalis ng Maynila. Kailangan ding mag-register sa Baguio Visita website para makakuha ng QTP (QR-coded Tourist Pass).

Obligado ring magsuot ng face mask at face shield ang lahat ng tao dito sa Baguio maging sa loob ng hotel kung saan kami naka-check-in. Hindi lang namin sure kung maging sa venue ng kasal ay ganun pa rin o puwedeng face mask na lang.

LOOK: Ara Mina’s dreamy prenup photos with non-showbiz fiancé in Palawan

Bago ang kasalan ngayong Miyerkoles ay may mga nag-speculate na hindi matutuloy ang kasal. Ang iba naman ay inakalang tapos na ang kasal nung June 12 dahil sa nakasulat sa invitation na, “We look forward to celebrate with you, please reply before June 12, 2021.”

Anyway, ilang sa mga malalapit na kaibigan ni Ara sa showbiz na makikita ng PUSH ngayong hapon ay sina Sunshine Cruz at boyfriend nitong si Macky Mathay (half-brother ni Ara), Jenny Miller, Barbie Imperial, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, Jaycee Parker, Jessa Zaragoza, Jose Sarasola, Gerhard Acao, at iba pa.

Kasama naman sa entourage ni Dave na kilalang businessman at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC) ang ilan sa bigateng political personalities na tatayong ninong at ninang ng kanilang kasal ni Ara tulad nina former senator Manny Villar and wife Sen. Cynthia Villar, Sen. Bong Go, Sen. Richard Gordon, Sen. Ralph Recto with wife Cong. Vilma Santos, Mayor Lourdes Cataquiz, Robina Gokongwei-Pe, at iba pa.

READ: Ara Mina’s fiance Dave Almarinez has a rags-to-riches life story

Of course, hindi mawawala sa kasalan ang kapatid ni Ara Mina na si Cristine Reyes at ang anak niyang si Mandy. Aabangan din namin kung may mga kasamahan si Ara mula sa FPJ’s Ang Probinsyano na dadalo sa gaganaping kasalan.

Samantala, narito ang larawan ng pagdadausan ng kanilang kasal at ang magiging wedding reception area.

Ara Mina Dave Almarinez Wedding June 30, 2021

Ara Mina Dave Almarinez Wedding June 30, 2021

Ara Mina Dave Almarinez Wedding June 30, 2021