• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang masasabi ni Aiko Melendez tungkol sa kanyang dating partner na si Jomari Yllana?

Aiko Melendez, may pagsisisi nga ba sa relasyon sa ama ng kanyang anak na si Andre?

Ano ang masasabi ni Aiko Melendez tungkol sa kanyang dating partner na si Jomari Yllana?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/30/2021 10:40 AM
Aiko Melendez, may pagsisisi nga ba sa relasyon sa ama ng kanyang anak na si Andre?
Photo Credit: @aikomelendez Instagram

Sinagot ni Aiko Melendez ang tanong kung mayroon siyang naging pagsisisi sa kanyang naging relasyon sa isa sa ama ng kanyang mga anak.

Sa isang vlog kasama ang malapit na kaibigan na si Ogie Diaz, napag-usapan ang pagtaguyod ni Aiko sa kanyang anak na si Andre upang mapagtapos ito ng pag-aaral. 

 


 

Tanong ni Ogie: “Kinaya mo ‘yun?” 

Sagot ni Aiko, malaking tulong ang pagiging magkaibigan nila ni Ogie na aniya’y sumuporta sa kanya lalo na sa mga oras na kailangan nito ito. 

“I know right? Because nandiyan ka, ‘di ba? Natutuwa ako dahil ‘yung anak ko isa ka sa unang sinabihan na graduate siya,” saad ni Aiko. 

Tinuring umano ni Ogie bilang mga tunay niyang anak ang mga anak ni Aiko. 

“Kaya ‘yan ‘yung isa sa pinapasalamat ko sa ’yo mother kasi, ang turing mo sa mga anak ko, parang mga anak mo na rin,” ani Aiko.

READ: ‘Independent na ako’: Aiko Melendez reveals marriage with Jomari Yllana annulled on Independence Day

Dito, tinanong din ni Ogie si Aiko kung may naging pagsisisi siya sa naging relasyon nila ni Jomari Yllana, ang ama ng kanyang panganay na anak na si Andre.

“Hindi. Kasi siyempre kahit papaano nabigyan niya ako ng isang anak na tapos na ngayon ng college. Thank You, Lord. One down na ako ‘di ba?”

Nang tanuning kung siya lang ang naghirap sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, sagot ni Aiko: “Kasama ka [Ogie] minsan. Kasi minsan nagpapapalit ako ng cheke sa ’yo.”

READ: Aiko Melendez turns emotional as son Andre Yllana graduates

Bagama’t hindi pinangalanan, tila ang dati nitong asawa na si Jomari ang tinutukoy ni Aiko sa isa sa kanyang mga pahayag. 

“Kasi ikaw din ang nagsasabi kay Andre nun. Lagi mo ni-reremind na kahit may sama ng loob sa’yo ‘yung taong pinag-uusapan natin, never kang nagsabi ng masama about him,” ani Aiko. 

 

 

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Aiko kay Ogie sa lahat ng tulong na ginawa nito para sa kanya lalo na sa oras ng kanyang pangangailangan. 

“You’re just always there to guide Andre. Guidance lang ang sinasabi mo sa kanya. ‘Anak ‘wag kang magpariwara, tapusin mo ang pag-aaral mo tapos gawin mo kung ano ang gusto mo na hindi ka nakakasakit ng tao, nakakatapak ng tao.’ ‘Yan ang lagi mong pang-aral sa kanya na lagi kong bitbit sa akin,” pagbabahagi ni Aiko. 

Binigyang pugay naman ni Aiko ang ama ng kanyang mga anak. 

“Uunahin ko na si Martin Jickain. In fairness to Martin, wala akong masasabi sa kanya. Napakabuting ama at talagang mahal na mahal niya si Marthena. Salute ako kay Martin Jickain diyan,” ani Aiko. 

 

 

“Kay Jomari naman, there’s nothing na I can wish ng masama sa ’yo kasi kahit anong mangyari, at the end of the day, tatay ka ng anak ko. Kung wala ikaw, hindi ako nabigyan ng Andre na napagtapos ko, ginapang ko, ‘yung pagpapatapos ng pag-aaral niya,” dagdag pa niya. 

Hindi naman napigilan ni Aiko naging emosyonal nang sabihin ni Ogie na handa siyang akuin ang responsibilidad ni Aiko bilang mga magulang sakaling dumating ang panahon na wala na itong malapitan.