• Home
  • Fresh Scoops
  • Alexa Miro talks about doing daring scenes in the Erik Matti film.

Former Munting Miss U Alexa Miro gets big break as ‘babaing wasak’ in Erik Matti’s film ‘A Girl And A Guy’

Alexa Miro talks about doing daring scenes in the Erik Matti film.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/03/2021 06:30 PM
Former Munting Miss U Alexa Miro gets big break as ‘babaing wasak’ in Erik Matti’s film ‘A Girl And A Guy’
Photo Credit: @alexamiro.m Instagram

Bata pa lang ay gusto na talagang mag-artista ni Alexa Miro kaya siya sumali noon sa Munting Miss U segment ng ABS-CBN noontime show na Magandang Tanghali Bayan taong 2001. Kaya lang, naudlot ang ambisyon niya dahil mas ginusto ng parents niya na mag-concentrate siya sa pag-aaral.

“I’ve wanted to enter showbiz since I was a kid. My passion has always been acting but I had to finish studies first. As far as I can remember, when people would ask me what I wanted to do when I grow up, at age five, my answer would already be an actress, a performer,” pagre-recall ni Alexa na ibinahagi niya sa interbyu ng PUSH.

Nung tumuntong ng college si Alexa ay hindi pa rin daw nawawala ang kanyang passion sa pag-arte kaya pinasok niya ang pag-arte sa teatro. Ang pakiramdam niya ay mailap talaga sa kanya ang showbiz kaya napunta siya sa advertising at paggawa ng TV commercials.


Ang kanyang viral commercial na “Sign” noong 2018 para sa isang sikat na fastfood chain ang naging daan para unti-unti na niyang mapasok ang showbiz.

Ani Alexa, “I had no way para pumasok agad sa acting kaya ayun, napunta muna ako sa advertising. I became a commercial model right after college. Direk Ted Boborol who directed the commercial discovered me and got me a regular part in his hit TV series Araw Gabi starring Barbie Imperial and JM de Guzman. And my journey started there.”

Ngayon ay bida na si Alexa sa sensual drama film na A Girl And A Guy ng Reality Entertainment na si  rik Matti ang director. Partner niya sa pelikula ang showbiz royalty na si Rob Gomez na galing sa clan ng mga Estrada.

READ: Erik Matti to direct an episode of HBO horror series 'Folklore'

Ayon sa dalaga, ginawa niya ang lahat ng kinakailangan sa pelikula including showing her flesh para magampanan nang maayos ang role bilang si Fiona na isang babaing wasak ang pagkatao dahil sa sunud-sunod na kabiguan sa pag-ibig.

“I never imagined I would do scenes like that but I fell in love with the story. I realized if I want to fulfill my dream to be recognized as an actress, I had to do the scenes,” lahad ng 24-year-old commercial model.

Ayon pa sa dalaga, mas nangibabaw sa kanya ang tuwa nang mapili siya bilang bida ng A Girl And A Guy kesa sa takot na maghuhubad siya sa harap ng kamera.

“Ang saya ko to be chosen by Direk Erik. It’s life-changing, grabe. I asked myself what did I do to deserve this. But they made me feel I deserved to be in the project. This is the fulfillment of my childhood dream,” wika pa niya.

Papayag ba siyang gawin ang mga daring scenes sa movie kung hindi si Erik Matti ang director nito?

Sagot niya sa PUSH, “Naitanong ko na po yan sa sarili ko noon at ang sinagot ko dati ay, kung magpapakatotoo ako – hindi. Kasi I never imagined myself that I would do that in the film. Kaya lang I fell in love talaga with the story that’s what made me say yes.

“Sobrang ganda po talaga ng story ng film namin and if I want to be a really, really great actress I should be willing to take big risks. I should be willing to the things that I’m scared of para mabigyan ko ng justice yung role.”

Ano ba ang ginawa niya para matanggal ang lahat ng inhibitions niya sa katawan at magawa ang maseselang eksena sa AGAG?

“Actually, nilunod ko po yung sarili ko sa character bilang masyado po kaming parallel ni Fiona. Nilunod ko po yung sarili ko sa character so kahit sa mga ganung sensitibong eksena, kung paano po ako sa totoong buhay malunod sa pagmamahal, kung daring man ako, ganun ko po siya in-execute. Though meron pong konting wine. Para lang makatulong,” natatawang hirit ni Alexa.

“In this film po, I woudn’t call it daring, I would call it full. I gave myself fully kung paano po ako sa totoong buhay, kung gaano siya ka-normal sa totoong buhay. Binigay ko lang din po talaga lahat sa pelikula.

“Pero for an upcoming film, siguro po hindi na  po muna ulit ako gagawa ng ganito. Gusto ko pong i-venture yung mga role na mas mahihirapan  pa ako, something na hindi ko pa po nagagawa,” patuloy niyang pahayag.

Mapapanood ang A Girl and A Guy sa Upstream.ph simula June 24.