• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Kathryn Bernardo ang kanyang planong kuning kurso sakaling ituloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

PANOORIN: Kathryn Bernardo, goal ang makabalik sa pag-aaral

Ibinahagi din ni Kathryn Bernardo ang kanyang planong kuning kurso sakaling ituloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/29/2021 08:43 AM
PANOORIN: Kathryn Bernardo, goal ang makabalik sa pag-aaral
Screenshot from Kathryn Bernardo YouTube Channel

Bagama’t umaarangkada ang kanyang karera bilang isang artista, inamin ni Kathryn Bernardo na gusto niya pa ring makabalik sa pag-aaral. 

 

 

Sa kanyang pinakabagong vlog kasama ang kapwa aktres na si Sofia Andres, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang gustong gawin sa buhay sakaling hindi na siya mag-aartista.  

Ani Kathryn, bata pa lamang siya ay gusto niya nang maging makeup artist gaya ng asawa ni Dominic Ochoa na si Denise Go Ochoa. 

“First dream ko I think is to be a makeup artist. Idol ko si Ate Den [Ochoa] talaga. Kasi she did my makeup when I was six. And sobrang ganda ni Ate Dens,” ani Kathryn.

READ: Kathryn Bernardo shows how she does her makeup

Gusto umano ni Kathryn gawin ang mga bagay na ginagawa sa likod ng camera. 

“Si Den, nakita niya ako and alam niya na siya ‘yung idol ko. ‘Ate Den, gusto ko din maging makeup artist’. Up until now, everytime I see her, parang ‘What if hindi naman ako ‘yung on-cam? Parang behind the cam’,” saad ng aktres. 

Sakaling bibigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng kolehiyo, kukuha umano ng mga kurso si Kathryn gaya ng Marketing o Communication Arts. 

“Siguro kung mag-college ako, I would take up parang Marketing or Communication Arts. Parang ‘yung mga behind the cam naman. Hindi ‘yung ako ‘yung kinukunan. Ako ‘yung production behind it. So, that’s something that I wanna do,” aniya. 

 

 

Gayunpaman, hindi umano sinasarado ni Kathryn ang kanyang pintuan sa mga maaaring mangyari sa hinaharap. 

“And parang I’m open pa. Kasi ngayon, parang hindi ko pa alam ang gusto kong gawin. But I’m very open kung ano ang gusto kong mangyari sa future. So, I just take it day by day,” sambit nito. 

READ: Kathryn Bernardo on turning 24: ‘Do more of what makes you happy’

Payo ni Kathryn, hindi umano dapat mawalan ng pag-asa ang kahit na sino kahit ano pa man ang edad. 

“Parang ‘yung iba na-fufrustrate sila na they’re 25, but still hindi mo alam ang gusto mong gawin. That’s normal. Even kami, hindi din namin alam ang gusto naming gawin aside from being an actress,” ani Kathryn. 

Goal naman umano ni Kathryn ang makabalik sa pag-aaral sa hindi malayong hinaharap. 

“Mostly ang mga artista meron silang other dreams. So, I think hindi naman problem ‘yung age or anything. We can always go back [to school]. That’s the goal. Let’s do it,” aniya.