Inengganyo ng ilang Star Magic artists ang publiko matapos na magpabakuna kamakailan.
Sa Star Magic Inside News, ibinahagi ng mga Star Magic artists ang kanilang karanasan nang mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Kiara Takahashi, “I researched about it siyempre para kung ano [man] ‘yung ite-take ko na vaccine. I think nalaman ko naman po and I think ‘yun naman ang important. Kailangan alam natin, kailangan aware tayo para saan ang vaccine, bakit may vaccine, ano ang nagagawa ng vaccine, up to what extent.
“I think we have to be aware of that. And after kong malaman ang importance of getting vaccinated, parang wala na po akong naging apprehension about it. Parang sabi ko po ‘Sige po, dito po’. Ganun po.”
Ibinahagi din ni Kiara ang kanyang naging personal na karansan nang magpabakuna siya.
“May mararamdaman po kayo pero hindi ganu’n kasakit. I think ‘yun din ‘yung worry ng ibang mga tao. ‘Masakit ba? Mararamdaman mo ba?’ So, pagtinurukan po kayo, parang normal lang talag,” aniya.
Samantala, hindi naman umano nakaramdam ng kahit na anong takot si Rhys Miguel na noon pa man ay hindi na umano nakakaramdam ng takot sa tusok ng karayom.
“Very relaxed nu’n kasi even when I was kid, I’ve never been scared of needles and whatnot. So, I was pretty excited to finally get it and excited to get the second dose din,” ani Rhys.
Binigyan namang diin ni Gino Roque ang kahalagahan ng ginagampanan nilang papel bilang mga artists.
“I feel like us artists or us in this industry, we have a platform. So, if we can use that to make people feel safer to take the vaccine. Kasi para naman sa atin ‘yan eh,” ani Gino.
READ: Star Magic artists help in fight against COVID-19
Hinikayat din ni Andre Brouillete ang kanyang mga kababayan na magpabakuna matapos niyang makumpleto ang kanyang pagpapabakuna sa Estados Unidos.
“If you guys are given the choice to take the vaccine or if you feel like you really need to get the vaccine, I would say go for it. ‘Cause personally, I did — not only to able to work — but also to be able to be safe really in this whole time of pandemic,” saad ni Andre.
“Not only are you putting that layer of protection for you, but you’re also preventing it from being spread to others if you do catch it,” dagdag pa niya.