• Home
  • Fresh Scoops
  • Maraming Noranians ngayon ang nangamba para sa kalagayan ng kanilang idolong si Nora Aunor.

Noranians, nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

Maraming Noranians ngayon ang nangamba para sa kalagayan ng kanilang idolong si Nora Aunor.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/29/2021 05:14 PM
Noranians, nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor
Photo Credit to Ms Nora Aunor Facebook

Labis na pag-aalala ngayon ang batid ng true-blooded fans ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor para sa kaniyang kalusugan.

Sa inilabas na retrato sa Facebook fan page na Miss Nora Aunor, agaw pansin na tila naka-upo sa wheelchair ang iconic veteran actress.


Sa caption ng retrato naka-saad ang “Mapag palang umaga po sa mga minamahal kong Noranians at mga kaibigan, isang magandang araw po sa lahat,” caption sa post.

Sa comment section ng Facebook post, nababasa ang pag-aalala ng Noranians.

Noranians nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

“I’m not comfortable seeing Nora na hiningal at naka wheelchair hope everything is fine May God bless u always Guy,” comment ng isang fan.

Noranians nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

“mahal kung ate guy...sana lague ka lang nasa ok na kalagayan..kailangan ka po naming maga Pilipino...ikaw na lamang an natitirang alamat ng industriyang aliwan sa Pilipinas...mag ingat po kau parate..nagmamahal,” mensahe rin ng isang fan.

Noranians nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

“Hi ate Guy, lagi po kyong mag iingat,marami po ang nagmmahal sa inyo kasi mabuti kayong tao, God bless po....”

Ayon naman sa tila tumatayong tagapag-alaga ng veteran actress, wala rin dapat ipag-alala ang Noranians dahil nasa mabuti pa rin itong kalagayan ngayon at patuloy ang pagsunod sa mga payo ng kaniyang mga duktor.

Noranians nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

“Marami pong salamat sa pag aalala kay Mam. ‘Wag po mag alala lahat ng nag mamahal kay mam dahil we are doing everything po para mas maging malakas po sha that includes checkup and everything needed to be done po, and she is taking all the vitamins prescribe by her doctor po,” ayonsa isang comment.

Bilang nasa hanay ng senior citizen, tumanggap na rin ang 68-year-old superstar ng kaniyang COVID-19 vaccine noong Mayo 28.

Noranians nag-alala sa kalusugan ni Nora Aunor

Sa ngayon, looking forward ang maraming Noranians sa upcoming project ni Nora na Kontrabida kasama sina Jacklyn Jose at Rosanna Roces.