• Home
  • Fresh Scoops
  • Mukhang hindi pa tapos ang gusot sa mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil ang biyenan ng aktor na si Jean Garcia ay humihiling na makausap siya ng personal.

Jean Garcia, maiinit ang komento kay Alwyn Uytingco sa social media

Mukhang hindi pa tapos ang gusot sa mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco dahil ang biyenan ng aktor na si Jean Garcia ay humihiling na makausap siya ng personal.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/29/2021 12:15 PM
Jean Garcia, maiinit ang komento kay Alwyn Uytingco sa social media
Photo Credit: @chic2garcia and @alwynzky Instagram

Kasunod ng balitang hiwalay na ang mag-asawang Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, usap-usapan din ngayon ang maiinit na komento ng nanay ni Jennica, ang aktres na si Jean Garcia sa Instagram ng aktor. 

Sa magkakasunod na post ni Alwyn sa social media tungkol sa pagbabago niya at pakikipag-ayos kay Jennica, ay sunod-sunod din ang komento ni Jean na tila ayaw kausapin at paliwanagan ng aktor. 

 


 

READ: Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, kumpirmadong hiwalay na

Isa sa mga comments ni Jean ay: “Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo... respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”

Jean Garcia talking about lack of respect to Alywn Uytingco

Sa kasunod na post ni Alwyn, nagpost ang beteranang aktres ng: “Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!” 

Alywn Uytingco lack of respect to Jean Garcia as Mother in law

READ: Alwyn Uytingco, umaasang muling mabubuo ang pamilya nila ni Jennica Garcia: ‘Kahit ikamatay ko’

Nag-sarcastic remark din si Jean sa post ni Alwyn kung saan sinabi nitong mahal na mahal niya ang kanyang asawa. “Wow! Galing mo after everything?!!! Wow ulit!!!” ani Jean.

Dagdag pa nito: “Wow ngayon naiisip mo mga anak mo??? Tama naman yan pero yung heartaches ni Jennica sayo?! Ok ba?!!!! Tanong lang Alwyn???”

Jean Garcia to Alywn Uytingco heartaches of Jennica

Sa kanyang Instagram naman nitong June 28, nagpost si Jean ng isang quote tungkol sa infidelity.

“A real man chooses to honor, love, respect, adore, and be faithful to one woman,” post ni Jean na may caption, “Just saying… again!”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

 

Sa post naman ni Alwyn nitong Martes, June 29, sinabi humingi ulit ito ng tawad kay Jennica. 

 

 

“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sayo. Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita,” sabi ng aktor sa upload niya ng mga larawan niya kasama si Jennica.