• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Xian Lim ang gaganap bilang Isko Moreno sa biopic-musical na ‘Yorme’.

Xian Lim biglang naging interesado na maging mayor dahil kay Isko Moreno

Si Xian Lim ang gaganap bilang Isko Moreno sa biopic-musical na ‘Yorme’.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/27/2021 10:02 AM
Xian Lim biglang naging interesado na maging mayor dahil kay Isko Moreno

Nagti-TikTok na rin ang aktor na si Xian Lim. Pero ayon sa kanya, hindi ang girlfriend niyang si Kim Chiu ang nag-influence sa kanyang mag-TikTok.

“Nakakatuwa kasi ang dami na ring nagti-TikTok and nag-iiba ang panahon, eh. Nag-iiba ang media. Nag-iiba ‘yung entertainment industry natin. Nag-iiba ‘yung platform. I think this a way to reach people. Siyempre, lalo na ngayon na medyo limited,” paliwanag ni Xian nang makausap siya ng PUSH sa syuting ng Yorme.

Ang latest entry niya sa TikTok na meron ng daan-daang libong views ay ang sayaw nila ni Mayor Isko Moreno na kinunan nung mag-courtesy call siya sa alkalde  ng Maynila para sa ginagawang musical film.


READ: Xian Lim to play Isko Moreno in ‘Yorme: The Musical’

“Grabe, ang bait niya. Nahihiya nga ako na i-approach siya kasi masyadong busy, pero pinagbigyan niya ako,” masaya niyang kuwento.

Gaganap si Xian bilang si Mayor Isko Moreno sa Yorme. Ayon pa sa aktor, makikita rin ang pagsasayaw niya sa biopic.

“Ay, may makikita rin po kayo na konting pagsasayaw. Nasimulan ko na yan sa pagti-TikTok ko. So, sana, sundan n’yo rin ang TikTok ko. Hahaha! Makikita ninyo ang dance moves ko po.

“Sundan n’yo naman ang TikTok ko, Awkward Chinito po. Bumabagets na po tayo ngayon,” pakiusap niyang natatawa.

Bilang paghahanda ay inaral na mabuti ni  \Xian ang script ng pelikula.

Aniya, “Yung mga moments, mga ups and downs ni Mayor Isko ay ipinakita sa akin. At siyempre, sariling research na rin po ng karakter dahil may ipino-portray po tayo na isang importanteng tao. Hindi naman ito basta na,  'O, dalhin mo lang ang sarili mo, tapos umarte ka.'"

Naging malaking challenge din daw sa kanya na gayahin ang accent ni Isko.

"Meron kasi siyang punto, eh, kung paano siya magsalita at do'n ako medyo nahirapan,” sey pa niya.

Hindi naman itinanggi ni Xian na ngayong nakilala niya nang husto ang pagkatao ni Isko ay pinag-iisipan na rin niya ang posibilidad  na maging mayor in the future.

“Sana! Hahaha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon,” lahad niya.

READ: Isko Moreno, aprub kina Xian Lim at McCoy de Leon bilang Yorme; biopic hindi raw edited version

Patuloy ni Xian, “Of course, I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change.”

Ang Yorme ay ipinrodyus ng Saranggola Media Productions at mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring sumulat ng mga original songs sa pelikula.

Kasama rin sa pelikula sina McCoy de Leon, Janno Gibbs, Jestoni Alarcon at marami pang iba.