• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal shares what song best describes her relationship with Rico Blanco.

Maris Racal reveals what she likes most about Rico Blanco as a boyfriend

Maris Racal shares what song best describes her relationship with Rico Blanco.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/27/2021 11:26 AM
Maris Racal reveals what she likes most about Rico Blanco as a boyfriend
Photo Credit: @ricoblanco100 and @mariesteller Instagram

“I want to grow kaya gusto kong maka-work ng iba’t ibang tao sa studio and I really believe na si Rico ang dami niyang maitutulong sa akin in terms of music, choices sa mga music na hindi lang limited sa sarili ko.”

Ito ang inamin ni Maris Racal sa PUSH na dahilan kung bakit nakipag-collab siya sa dating Rivermaya frontman na si Rico Blanco.

READ: Maris Racal did not expect the positive reaction to her relationship with Rico Blanco


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

 

 “Kasi dati, as far as I can remember medyo reckless akong magsulat. Yung rhyme ng sinusulat ko, example sa ‘you’, literal na word na ‘you’ din yung nilalalagay ko, alam mo yung ganun? Hahaha!

“As in wala talaga akong… hindi pa ako magaling masyado and nung naka-work ko na siya, sobrang nag-iba talaga. Don ko natutunan na may rules pala sa music writing. Hindi pala writing your heart out lang, may pattern pala na pina-follow but at the same time adding your taste and your kind of art to it,” dagdag niyang pahayag.

Matagal ding panahon ang hinintay ni Maris bago tuluyang na-pursue ang hilig niya sa musika.

Lahad ng dalaga, “Nung bata pa ako nag-start na akong magsulat ng songs but I never really focused on it kasi start na rin yon ng career ko sa acting and all. Mahirap kasing mag-focus sa dalawang malaking bagay and I can say na nahanap ko or naka-collab ko si Rico sa right time na marami na akong nasulat na songs.

“Pinarinig ko yon sa kanya at nagustuhan naman niya. There are times din na may gusto akong gawin na he really said, ‘I think hindi pa ito ang tama na songs na i-release sa age mo kasi I think meron pang mas bagay sa age mo. Kasi I want your followers or your fans to grow with you as well but at the same time release some music na mas bagay.’”

Nakatulong ba ang pagiging in love nila sa isa’t isa to create good music together?

“Wala siya sa equation sa first part, eh. Biglaan na lang siyang nangyari. Parang hindi namin in-expect yon na mangyayari. Our collaboration was only for music lang and then may surprise na nangyari,” pagtatapat niya.

Anu-ano ba ang guidance na binibigay sa kanya ng boyfriend?

“Marami… marami po. In fairness naman kay Rico marami talaga siyang sine-share sa akin kasi as we all know meron naman siyang napatunayan sa music industry and then ako I’m just starting. So he really helps me, but at the same time he doesn’t over step.

“Parang hinahayaan niya lang ako. There are times na iniiwanan niya ako sa studio to write and finish the song to avoid over stepping. We have that line that we follow,” sambit pa niya.

READ: Rico Blanco, Maris Racal get vaccinated together

Si Rico Blanco na CEO ng Balcony Entertainment ang producer ng bagong single ni Maris titled “Ate Sandali.”

Bukod sa matagal na niyang idol si Rico, ibinahagi rin ni Maris kung ano ang nagustuhan niya sa ugali ni Rico at na-discover dito ngayong mag-on na sila.

“He is really a nice person. He is genuine and humble.  I know that he is humble pero  hindi ko alam na ibang level pala yung pagka-humble niya.  Wala sa utak niya yung status niya sa music industry,” deskripsyon niya sa boyfriend.

When asked kung ano ang kanta that best describe  their relationship ay saglit na napaisip ang singer-actress.

“Wala akong maisip. Nahihiya ako. Hahaha! Puwedeng ano na lang, ‘Time After Time.’ Maganda kasi yung song and siguro yan yung best song that can describe our relationship,” natatawang pagtatapos ni Maris sa PUSH.