• Home
  • Fresh Scoops
  • Malapit na kaibigan ang naging turingan nina Pia Wurtzbach at ang namayapang former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Pia Wurtzbach, pinasalamatan si PNoy

Malapit na kaibigan ang naging turingan nina Pia Wurtzbach at ang namayapang former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/26/2021 03:42 PM
Pia Wurtzbach, pinasalamatan si PNoy
Photo credit: @piawurtzbach Instagram

Sa pamamagitan ng social media, nagpaabot nang kaniyang pakikiramay si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach sa pamilya ng namayapang ex-president Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

READ: Official statement of Aquino family on passing of former president Benigno ‘Noynoy’ Aquino

“My heartfelt condolences to his family and loved ones in this time of grief,” bahagi ng post ni Pia sa Instagram story kalakip ang retrato nila ng dating Pangulo noong nagbalik Pilipinas siya sa gitna nang kaniyang reign bilang Miss Universe.


pia wurtzbach noynoy aquino pnoy friendship death pia miss universe

Photo screen grabbed @piawurtzbach IG story

“It’s really sad to hear the passing of former President Noynoy Aquino,” sambit ni Pia.

Saad rin ni Pia ang pasasalamat sa dating Pangulo na naging malapit rin niyang kaibigan para sa naging suporta nito sa kaniyang karera bilang Miss Universe.

“I will always be thankful for his friendship and support in my journey as Miss Universe,” ani Pia.

Matatandaan na Isa si Pia sa masasabing minsang naging malapit sa namayapang Pangulo.

Sa isang panayam noon sa Tonight With Boy Abunda inamin ni Pia ang ilan sa mga untold stories na hindi nalaman ng publiko sa kanilang tila naudlot na pagmamabutihan nila noon ni PNoy.

Ayon kay Pia, nagpadala ng congratulatory flowers noon ang dating Pangulo kalakip ang isang handwritten na sulat bago siya sumabak sa Miss Universe pageant noong 2015.

“First time ko i-reveal to actually. I didn’t even Instagram it or anything,” sambit ni Pia sa naging panayam noon sa TWBA.

Kuwento ni Pia sa naging panayam noon mataas aniya ang kanilang respeto sa isa’t isa ng dating Pangulo na tinuturing niyang kaibigan.

“Ang pagkaka-kilala kasi niya sa akin is I don’t really reveal much about him. And I respect him in that way. And whatever I know about him, or whatever he knows about me is ‘yun na. But with regards to that, I really appreciate it. It was a sweet gesture. Even though we’re just friends and for some reason he found out that I was waiting for a ‘Good luck’ so he did.”

Taong 2015 nang nasungkit ni Pia ang titulo sa Miss Universe na panahon rin ng pagka-Presidente ni PNoy.