• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na maging ‘Meme Queens’ ang dalawa na premiyadong bituin na sina Janice De Belen at Agot Isidro.

Bakbakan ni Janice De Belen at Agot Isidro, aabangan sa ‘La Vida Lena’

Handa na maging ‘Meme Queens’ ang dalawa na premiyadong bituin na sina Janice De Belen at Agot Isidro.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/26/2021 07:22 PM
Bakbakan ni Janice De Belen at Agot Isidro, aabangan sa ‘La Vida Lena’

Kaabang-abang na bagong Kapamilya series ang handog ng Dreamscape Entertainment sa muling pagbabalik-teleserye ng aktres na si Erich Gonzales sa La Vida Lena

Si Erich ay gaganap bilang si Magda. Isang dalagang biktima nang pagmamalupit ng kasakiman ng ma-impluwensiyang pamilya dahil sa kaniyang panlabas na kagandahan. 


Kasama ni Erich ang mga premiyadong bituin na sina Janice De Belen at Agot Isidro na dalawa sa karakter na magbibigay kulay sa buhay niya. 

Kuwento ni Janice na minsan nang naging suki ng mga “memes” sa social media sa kanyang karakter noon sa hit Kapamilya series na The General’s Daughter, handa na aniya na muling laman ng social media sa kaniyang pagbabalik-teleserye. 

 

 

It’s a welcome thing, it’s a lot of fun. It’s something to play around with di ba, nakaka aliw siya e’, feeling ko yun rin naman ang gusto ng mga tao yung ganung scenes, and kung ready na ba maging meme? Sus! Oo naman! MEME all the way! MEME all the way, MEME, all you want,” masayang sambit ni Janice sa naganap na La Vida Lena digital conference. 

Ibang atake rin aniya ang kanilang pinaghandaan ni Agot Isidro. 

Wow! Oo marami kayong makikita na campy scenes dito, actually we had fun doing it. Kasi even while we were rehearing, we were playing with the lines to see what works,” sambit pa ng aktres. 

Patuloy ni Janice: “Siyempre, may ano rin yan e may campy na nakaka-umay, or campy na OA so we had to rehearse the lines, of course andiyan ang mga direktor namin, binabantayan kung paano naming gagawin, so kailangan rin handa kami kasi we’re having so much fun parang sobra naming na-eenjoy.” 

Tulad ni Janice, mas lalo rin aniyang kakainisan ang karakter ni Agot sa La Vida Lena. Patikim ng aktres ibang atake rin ang kaniyang ibibigay sa kaniyang karakter sa bagong Kapamilya series. 

 

 

“‘Yung kami ni Janice, ibang iba ‘yung character namin doon sa La Vida Lena. Ako yun medyo hyper, siya yung cool lang kaya, pag nagbabangayan kami. May pikunan factor talaga. Lalo na ako, kasi ako ‘yung napipikon. So ang saya!” ani Agot. 

Marami man bangayan sa kanilang roles, nilinaw ni Agot na walang personalan sa kanilang ginagawang trabaho ni Janice na madalas niyang makaka-eksena sa proyekto. 

Kasi nga after nun, tatawa lang kami. Kasi ang sarap niya gawin. Sa akin, pinaka-enjoy ako pag kontra bida. ‘Pag kasi nalalaro mo talaga ang role mo and ang character. As per dami nang ganun, why not di ba? Masaya naman kasi makita ang bangayan alo na yung may sides na tinatake lalo na kung ito ang kinakampihan mo, tapos ito naman ang kinakampihan nang ano, ang saya kasi parang na cheer on ka rin. And tama si Janice. MEME ALL YOU WANT,” pahayag pa ng aktres. 

Ang La Vida Lena ay sa ilalim ng direksyon ni Jojo Saguin at Jerry Lopez Sineneng. 

Mapapanood ang La Vida Lena ngayong June 28 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWant TFC, TFC at A2Z channel 11.