• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Roger Tawile ang kanyang naging reaksyon noong ipinaalam ni Jessy Mendiola na magpapakasal na ito sa nobyong si Luis Manzano.

Ama ni Jessy Mendiola, may mensahe para kay Luis Manzano

Ibinahagi ni Roger Tawile ang kanyang naging reaksyon noong ipinaalam ni Jessy Mendiola na magpapakasal na ito sa nobyong si Luis Manzano.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

06/25/2021 02:57 PM
Ama ni Jessy Mendiola, may mensahe para kay Luis Manzano
Screenshot from Jessy Mendiola YouTube Channel

Ibinahagi ng ama ni Jessy Mendiola ang kanyang naging reaksyon noong ipinaalam sa kanyang ng aktres na magpapakasal na ito sa nobyong si Luis Manzano.

Sa kanilang heart-to-heart talk na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 24, sa YouTube channel ni Jessy, sinabi ni Roger Tawile, isang Lebanese, na masayang masaya siya para sa kanyang anak.


"I was happy. I was happy for you because, you know, when you get married, it's your life. ... And I asked you so many times before, 'Baby, are you sure? Do you love him?’ And you said, 'Yes, I love him. And I want to spend my future with him.’ So, for me, that's enough," kwento ni Roger.

"I just want you to be happy. That's all. So if getting married with Luis makes you happy, Luis, it is," dagdag niya. 

Ikinasal sina Jessy, 28, at Luis, 40, sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas noong Pebrero, matapos ang apat na taon bilang magkasintahan.

BASAHIN: Jessy Mendiola, Luis Manzano give glimpse of intimate wedding

Sa vlog, ibinahagi rin ni Roger ang kanyang mensahe para kay Luis. 

"You... you take care of my daughter!" biro niya. 

"I wish you a long and happy life. Just take care of each other and be happy all the time. Life is short," ani Roger, na nakatira ngayon sa Bahrain.

Ayon naman kay Luis, nagpapasalamat siya sa ama ni Jessy sa tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya. 

"Yeah, we missed you here when we had the wedding. And you know, even if we don't have a child or a daughter yet, I can only imagine how difficult it is for a father to see one of his daughters getting married. That entails a lot of trust, and I'm thankful for that, Tito. I hope to see you very, very soon," sabi ng TV host.

Para naman sa kanyang mensahe sa kanyang anak, nangako si Roger na habangbuhay siyang nasa tabi lamang ni Jessy.

"You're a married woman [but] you're still my daughter. You're still my baby and I will always love you. I will always be beside you. Just be happy. Cherish what you have," aniya.

Hindi man siya nakadalo sa kanilang wedding dahil sa COVID-19 pandemic, nangako si Jessy sa kanyang ama na maihahatid pa rin siya nito sa altar.

"I love you, Papa. All I really want to say is I really really miss you, and I'm just really so proud of you. And I want you to know that whatever you decide to do in your life, I will be there 100% to support you all the way. And I hope to see you very, very soon. I promise, you will be able to walk me down the aisle. I swear. I promise you that," sabi ng aktres.

Bago magtapos ang kanilang heart-to-heart talk, natanong ni Jessy ang kanyang ama kung ilang apo ang gusto nito mula sa kanila ni Luis.

BASAHIN: Jessy Mendiola on getting pregnant: ‘Yes, I am ready’

Sagot ni Roger: "Baby, it's your life. It's your decision. Whatever you decide, I'm here for you."

"It's up to you. I will love them all, whether it's 1 or 15. As many as they are, I will love them all," dagdag niya.