• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuntahan ng Beks Friends ang lumang bahay ni Vice Ganda para kunin ang ipinangako nitong jacuzzi para sa kanila.

PANOORIN: Vice Ganda, niregaluhan ang Beks Friends ng jacuzzi

Pinuntahan ng Beks Friends ang lumang bahay ni Vice Ganda para kunin ang ipinangako nitong jacuzzi para sa kanila.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/24/2021 06:27 PM
PANOORIN: Vice Ganda, niregaluhan ang Beks Friends ng jacuzzi

Todo ang pasasalamat ng Beks Friends na binubuo nina Tonton, Orli, at Kitty dahil sa ibinigay sa kanila na jacuzzi ni Vice Ganda.

 

 

Sa pinakabagong vlog ng Beks Friends, dinayo ng tatlong magkakaibigan ang lumang bahay ng It’s Showtime host sa Green Meadows. 

Dito, kinuha na nila ang jacuzzi na unang ipinangako sa kanila ng komedyante Disyembre noong nakaraang taon. 

PANOORIN: Vice Ganda, binsita sa unang pagkakataon ang bahay ng Beks Battalion

“Binigyan niya kami ng Christmas gift, ‘yung jacuzzi. Ngayon na namin siya kukunin,” ani Orli. 

Maliban sa jacuzzi, hinayaan din sila ni Vice ang tatlong magkaibigan na mamili ng kanilang mga gustong kagamitan sa kanyang lumang bahay. 

Maging si MC ng Beks Battalion ay nagpasalamat din sa Unkabogable Star para sa para sa ibinigay nito para sa kanilang bahay.  

“Vice, thank you thank you so much sa jacuzzi at sa mga lamparang binigay mo,” ani MC. 

Kagaya ng Beks Friends, ang Beks Battalion ay binubuo din ng tatlong magkakaibigan.

PANOORIN: Beks Battalion, ipinasilip ang naipundar na bahay

May mahigit 343,000 subscribers na ang Beks Friends sa kanilang YouTube channel.