• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama’t hindi na sila madalas magkita, hindi pa rin umano nakakalimot si Sharon Cuneta kay Bayani Agbayani.

PANOORIN: Bayani Agbayani, minsan nang binilhan ni Sharon Cuneta ng mga mamahaling sapatos

Bagama’t hindi na sila madalas magkita, hindi pa rin umano nakakalimot si Sharon Cuneta kay Bayani Agbayani.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/24/2021 02:43 PM
PANOORIN: Bayani Agbayani, minsan nang binilhan ni Sharon Cuneta ng mga mamahaling sapatos
Screenshot from Bayani Agbayani YouTube Channel

Sa isang vlog kung saan naglaro si Bayani Agbayani ng “Uutangan o Ililibre,” ibinunyag ng komedyante ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya na may mabuting kalooban. 

Ilan dito sina Luis Manzano at Sharon Cuneta na pinatotohanan ang pagiging mapagbigay.


“Uutangan. Kasi maraming pera ‘yan. Madami kayang mga taxi ‘yan. Tsaka madaming mga commercials. Minsan nga nagagamit kami sa mga vlogs niyan hindi naman kami binibigyan kahit singko,” biro ni Bayani tungkol kay Luis. 

Pagpapatuloy ni Bayani, palagi siyang nililibre ng pagkain at binibigyan pa umano nga mga produktong iniendorso nito. 

“Basta ‘Huy puna kayo dito. Papakainin ko kayo’ tapos iva-vlog na lahat ng gagawin namin. Aakbay na lan

ako sa kanya, kukunan na ng camera. Kahit sino, sa amin. Tapos makikita mo ‘Uy nasa vlog pala ako,’” saad niya. 

READ: Bayani Agbayani: ‘Sabi ni Bea kapag nanganak si Thalia kanya na lang ‘yung anak’

“Sasabihin niya, ‘Punta kayo ng dressing room ko ha?’ ‘Bakit?’ ‘Basta.’ Tapos iva-vlog niya na ‘yun. Pumupunta po siya ngayon dito sa aking dressing room. Grabe. Parang si Alex Gonzaga. Hindi. Pero mabait po ‘yang mga ‘yan,” dagdag pa niya. 

“Si Luis, ‘yung mga sponsor niyan, tatawagan pa ako. ‘Kuya, ano’ng gusto mo dito?’ Dadalhin niya na lang sa taping tapos ibibigay niya sa akin. Pero dapat talaga utangan ‘yan,” pagpapatuloy ni Bayani. 

Isa naman umano si Sharon sa mga taong hindi nakakalimot kahit na matagal na silang hindi nagtatagpo ng landas. 

“Ang maganda lang kay Tita Shawie, alam mo kahit hindi kayo nagkikita, maalala ka niya,” ani Bayani. 

Hindi naman napigilan ni Bayani na maipagmalaki ang mga mamahaling sapatos na binigay sa kanya ng Megastar. 

Saad ni Bayani: “Tita Shawie, ipagmamalaki ko na ‘to. Itong Prada, Gucci at Givenchy — tatlong mahal na sapatos binigyan ako ni Tita Shawie. Hindi na kami nagkikita ah?”

Dagdag pa nito, umabot umano sa 133,000 ang halaga ng mga sapatos na ibinigay sa kanya ni Sharon. 

Aniya: “Tumawag lang siya ‘Umorder ka ng tatlong sapatos. Tas nakita ko 45,000, 42,000, 46,000. ‘Tita Shawie, hindi ko po kaya ‘to. Isa lang po ang bibilhin ko.’ ‘Ano’ng bibilhin mo? Ako magbabayad niyan. Umorder ka na.’ Binayaran. Hindi kami nagkikita ng matagal na panahon ah? Kaya uutangan si Tita Shawie?”