• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ng BL actor na si Poalo Pangilinan na ilabas ang kaniyang saloobin sa naranasang pangha-harass.

‘Gaya Sa Pelikula’ star Paolo Pangilinan, umalma sa naranasang pangha-harass

Hindi napigilan ng BL actor na si Poalo Pangilinan na ilabas ang kaniyang saloobin sa naranasang pangha-harass.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/22/2021 08:48 AM
‘Gaya Sa Pelikula’ star Paolo Pangilinan, umalma sa naranasang pangha-harass
Photo Credit: @paopangs Instagram

Hindi napigilan ng isa sa mga bumida sa Gaya Sa Pelikula na si Paolo Pangilinan na ilabas ang kaniyang saloobin sa naranasang pangha-harass umano sa kaniya.

Sa pamamagitan ng Twitter post, magkakasunod na naglabas ng kaniyang saloobin at tila galit ang Gaya Sa Pelikula star.

“Wag kang lalabas buti yan magtago ka naka abang aq 🥰” sambit ng BL actor sa tweet.


 

 

Sa kasunod na social media post nito, ibinulalas ni Paolo ang kaniyang saloobin sa usapin ng harassment.

“Basta yung sakin lang harassers shouldn’t assert be put in positions of power esp when they’ve been reported already thank u no delete,” ani Paolo sa post.

 

 

Matipid man sa pagbibigay ng detalye, madarama rin sa post ni Paolo ang tila di naging magandang trato sa LGBTQIA+.

“Wag talaga ako makakakita ng lgbtqia eme eme riyan galing sa’yo ha tatalak ako.

 

 

Sa naging series of tweets ni Paolo, ilang pangalan ng mga tila malapit sa aktor ang umano’y gumawa ng panghaharass dito.

Hindi man pinangalanan ni Paolo, buhos naman ang suporta at pagmamahal ng netizens ang kaniyang natanggap.

Si Paolo ay isa sa mga bida ng isa sa mga sikat na Boy Love series na Gaya Sa Pelikula noong 2020 kung saan gumanap siya bilang Karl Almacen. Kasama rin ni Paolo si Ian Pangilinan na gumanap naman bilang Jose Vladimir.

Ang Gaya Sa Pelikula ay produced ng Globe Studios mula sa direksyon ni Juan Miguel Severo.