• Home
  • Fresh Scoops
  • Mas lalo pang nakilala ng kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Kim Chiu at Xian Lim, naglaro ng ‘Who’s More Likely’ challenge

Mas lalo pang nakilala ng kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/21/2021 10:57 AM
Kim Chiu at Xian Lim, naglaro ng ‘Who’s More Likely’ challenge

Mas lalo pang nakilala ng kanilang mga tagahanga ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa paglalaro nila ng sikat na game na "Who's More Likely?" o "Sino Ang Mas…?"

Sa video na in-upload nitong Linggo, Hunyo 20, sa YouTube channel ni Kim, inamin ni Xian na sa kanilang dalawa ni Kim, siya ang mas makakalimutin, walang pasensya, sumpungin, at kuripot.


Siya rin umano ang mas mahiyain. Paliwanag ng aktor: "Introvert ako at hindi ako masyadong extroverted katulad ni Kim. ...Kailangan kong kilala muna 'yung mga tao sa paligid ko before I can go all out. 'Di ba? 'Pag hindi ko pa masyadong gamay 'yung nasa paligid ko, eh 'di tahimik muna hanggang sa ma-gets ko, ma-feel ko 'yung mga tao sa paligid ko."

Aminado naman si Kim na sa kanilang dalawa ay si Xian din ang mas malambing. 

"Yes, si Xian talaga sweet. 'Di ba 'no? Daig mo pa 'yung chocolate," biro niya.

BASAHIN: Xian Lim shares new cozy photos with Kim Chiu

Samantala, si Kim naman umano ang mas masayahin, makulit, magastos, at pasaway sa kanilang dalawa ng kanyang nobyo.

Si Xian na rin mismo ang nagsabi na mas mabait si Kim kaysa sa kanya.

"Mas mabait si Kim kasi kaya niyang itago 'yung kabaitan niya eh. Alam mo 'yung kailangan mong magpakabait? Ako kasi lagi kong pinapakita kung ano ako eh. I'm very transparent, totoo na tao. Kasi kapag galing kang ibang bansa, you tend to be more straightforward with how you feel or kung ano man 'yung kailangan mong sabihin, sasabihin mo. Wala nang paligoy ligoy pa. But since you're a native of Cebu, you're a Cebuana by heart, you're very kind and—sige na nga—malambing," aniya. 

Mas masakit din umano si Kim magsalita kumpara sa kanya.

"Taurus kasi si Kim, so very... Kimkimin niya lahat hanggang sa bubulwak na lang siya ng galit at papagsalitaan ka niya ng masama. ... Ako naman Cancer, so ang mga cancer are very sensitive at hindi nakakalimot. We forgive but we never forget," paliwanag ni Xian.

Nang tanungin naman ni Kim kung sino ang mas seloso sa kanilang dalawa, sagot agad ni Xian: "Ikaw."

Pero ayon sa aktres: "Same lang, pero siya super... 'Di ba sabi naman 'pag hindi ka nagseselos, ibig sabihin hindi mo mahal 'yung isang tao?"

Sagot muli ng aktor: "Mahal naman kita pero wala namang pagseselosan. There's no reason to be jealous."

"Yeah, wala rin... 'Di naman siya nagbibigay ng reason para magselos din ako," dagdag naman ni Kim.

BASAHIN: Xian Lim tells Kim Chiu on her birthday: ‘I love you so much’

Siyam na taon nang magkarelasyon sina Kim at Xian, o ang tambalang mas kilala bilang "KimXi".

Gayunpaman, noong 2018 lamang inamin ni Kim ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa panayam ni Boy Abunda para sa Tonight With Boy Abunda.