• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinag-usapan din ni Joao Constancia ang mga latest ganaps niya ngayon.

Joao Constancia, inaming may nagpapatibok ng kanyang puso ngayon

Pinag-usapan din ni Joao Constancia ang mga latest ganaps niya ngayon.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

06/21/2021 06:29 PM
Joao Constancia, inaming may nagpapatibok ng kanyang puso ngayon

Sa kanyang panayam sa online show na PUSH Bets Live, inamin ng He’s Into Her actor na si Joao Constancia ang kasalukuyang estado ng kanyang buhay pag-ibig.

“Currently, yes. There is someone that’s making me happy,” maiksi at diretsahang sagot ni Joao nang tanungin kung kasalukuyan bang may nagpapatibok ng kanyang puso.

Watch the full video here:


Samantala, busy naman si Joao sa pagpopromote ng kanyang latest single na “Pretty Mama.” Aniya, co-written ito ng kanyang best friend na si Inigo Pascual. In the future, Joao hopes to collaborate with him again kasama na ang kanilang kaibigan na Markus Paterson. Isa rin sa mga dream collaborations ni Joao ay makatrabaho si James Reid.

Bukod sa music, kasalukuyan din umeere ang series na kinabibilangan niya – ang He’s Into Her. Kapareha niya rito ang former Pinoy Big Brother teen housemate na si Criza Taa.

WATCH: Joao Constancia describes love team Criza Taa: ‘Super mature for her age’ | Push Bets Live

“Sobrang saya naman, sobrang chill. Criza is super mature for her age at sobrang madaldal. She’s fun to work with. Perfect na perfect siya sa character niya,” Joao described working with Criza.

Dagdag pa nito, marami pang kilig scenes na aabangan from their characters Lee Roi Gozon and Zarnaih Marchessa. “Honestly nga, hindi pa nga pinapakita masyado ang Lee Roi saka si Naih kaya abangan niyo pa ang mga eksena namin dalawa.”

Mapapanood ang episodes ng He’s Into Her sa iWantTFC, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.