• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasamang nagpabakuna ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto.

TINGNAN: Julia Barretto at Gerald Anderson, sabay na nagpabakuna

Magkasamang nagpabakuna ang magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/20/2021 12:55 PM
TINGNAN: Julia Barretto at Gerald Anderson, sabay na nagpabakuna
Screenshot from @juralds.officialfanpage Instagram

Sabay na nabakunahan ang mga magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)


 

Nitong Biyernes, Hunyo 18, lumabas ang mga litrato at video nina Gerald at Julia sa ilang fan pages kung saan makikitang magkasamang binakunahan kontra COVID-19 ang dalawa. 

Sa nasabing video, kitang-kita ang suporta ni Gerald para kay Julia na makikita ang kaba habang tinuturukan ng bakuna sa kanyang braso. 

READ: Gerald Anderson admits relationship with Julia Barretto

Hawak-hawak ni Gerald ang kanyang kamay habang nakatayo sa kanyang tabi. 

Hindi din pinaglapas ni Julia ang pagkuha ng video sa kanyang kasintahan nang ito na ang binakunahan. 

Tingnan ang mga videos sa ibaba: 

 

 

 

Marso nitong taon nang kumpirmahin nina Gerald at Julia ang kanilang relasyon. Naging madalas naman ang pagsama ni Gerald sa iba’t-ibang ganap ng pamilya Barretto nang isapubliko nila ang kanilang relasyon. 

Bago nito, naging laman ng spekulasyon ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa matapos kumalat ang iba’t-ibang litrato ng dalawa na magkasama sa iba’t-ibang okasyon. 

READ: Julia Barretto spotted kissing Gerald Anderson

Samantala, mahigit 7.5 million na doses na ng bakuna ang naiturok sa mga Pilipino nitong Miyerkules, June 16. Dalawang milyon dito ang nakatanngap na ng second dose ng bakuna. 

Target naman ng gobyerno na mabakunahan ang 58 milyon sa 108 milyong Pilipino para makamit ang inaasam-asam na herd immunity.