TINGNAN: Nakakatawang sagot ni John Arcilla sa isang mensahe sa kanyang character sa ‘Ang Probinsyano’ | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Nakakatawang sagot ni John Arcilla sa isang mensahe sa kanyang character sa ‘Ang Probinsyano’

TINGNAN: Nakakatawang sagot ni John Arcilla sa isang mensahe sa kanyang character sa ‘Ang Probinsyano’

PUSH TEAM

Clipboard

Painit nang painit ang mga tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyanoat talagang usap-usapan ngayon ang naging enkwentro muli ng grupo nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Renato Hipolito (John Arcilla).

Sa pagkampi ni Lia (Jane De Leon) sa panig nina Cardo, ay mas tumindi ang bakbakan na siya naman talagang sinusubaybayan magpahanggang ngayon sa ika-limang taon ng teleserye.

At dahil dito iba’t ibang komento ang natatanggap ng mga artista sa palabas sa kani-kanilang social media, lalo na sa kontrabida na si John Arcilla.

Sa kanyang Instagram, ay aliw-na-aliw ang aktor sa feedback na kanyang nakukuha para sa show at sa kanyang pagganap.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagsagot dito, ay nagpasalamat din si John sa mga patuloy na sumusubaybay sa “Ang Probinsyano.”

“Sobrang NAALIW LANG AKO sa comment ng isang fan ng Ang Probinsyano. Kakatuwa lang kasi napaka PLEASANT hindi siya ANTAGONISTIC. Thank you po for supporting FPJ AP!” sabi ni John sa kanyang post sa Instagram.

Ang isa namang message sa kanya ay tungkol sa tila di maubos-ubos na tauhan niya sa show na tumutugis sa grupo ni Cardo.

Nakakatawang reply ni John, trak-trak ang kanyang tauhan.

“Mula sa isa nanamang nakaka aliw na fan ng Probinsyano. Sana po nasagot ko ng maayos ang inyong katanungan. Labyu- Hipolito,” sabi ni John.

ADVERTISEMENT

Consistent no. 1 TV show ang “Ang Probinsyano,” since ipinalabas ito noong Septyembre ng 2015. Nagsimula itong umere digitally noong July 2020 nang di marenew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Naging top viewed show pa din ang “Ang Probinsyano” sa Kapamilya Online Live, na lumalagpas pa sa 100,000 ang viewers nito, patunay na malapit pa din sa puso ng mga manonood ang teleserye.

Bukod sa Kapamilya Online Live, mapapanood na ngayon ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, at iflix.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.