• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kanyang latest vlog, inireveal ni Kim Chiu dahil sa tindi ng eksena nila ng veteran actress na si Glydel Mercado, naapektuhan siya ng pagsampal nito sa kanya.

Kim Chiu, bakit muntik mapauwi sa Cebu dahil kay Glydel Mercado?

Sa kanyang latest vlog, inireveal ni Kim Chiu dahil sa tindi ng eksena nila ng veteran actress na si Glydel Mercado, naapektuhan siya ng pagsampal nito sa kanya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/02/2021 01:55 PM
Kim Chiu, bakit muntik mapauwi sa Cebu dahil kay Glydel Mercado?
Photo Credit: @glydelmercado Instagram and screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Sa nakakatuwang ‘Truth or Drink’ challenge sa latest vlog ni Kim Chiu, ibinahagi ng aktres na isang sampal mula sa isa niyang co-star ang talagang di niya malilimutan. 

Sa tanong na kung nasampal ba siya ng totohanan ng isang kasamang aktor sa eksena, sinabi ni Kim na talagang unforgettable para sa kanya ang eksena nila ng veteran actress na si Glydel Mercado sa una niyang teleserye noong 2007, ang “Sana Maulit Muli.” 

Ikinuwento ni Kim, na fresh pa mula sa pagkakapanalo niya sa unang Pinoy Big Brother Teen Edition, na napatakbo siya sa kanyang sasakyan matapos ang kanilang eksena. 


“Ay, OK lang. Truth. Glydel Mercado. ’Sana Maulit Muli’, ’yung first teleserye. Ang sakit talaga pero dun ko naman hinugot acting ko. Kaya okay lang naman,” kwento niya.

Sa loob daw ng kanyang sasakyan, naisip daw ni Kim na umuwi na lang ng Cebu.  

“Gusto ko na umuwi sa Cebu. Buti na lang napigilan ko ang self ko,” natatawa niyang pag-alala. 

Naitanong din kay Kim kung willing ba siyang makipagkaibigan sa ex-boyfriend niya. Aniya, open naman siya dito kaso mukhang yung ex niya ang ayaw makipagkaibigan sa kanya. 

“Friends naman kami. Friends kami. Ayaw niya lang ako maging friend,” natatawa niyang sagot. 

Nagdecline naman si Kim na sagutin kung sino ang ayaw niya makatrabaho at kung sino ang may attitude at uminom na lang ito ng brandy at wine. 

“Konti lang sila. Drink na lang kasi konti lang naman yun,” aniya. 

Nagcelebrate ng kanyang 15th year anniversary sa showbiz si Kim noong Abril. To celebrate ay nagrelease ng bagong awitin si Kim na pinamagatan na “KIMMI.”

Ang feel good song at ginawa ng kanyang kasamahan sa “It’s Showtime” na si DJ M.O.D.