• Home
  • Fresh Scoops
  • Tumaas ang bilang ng mga tao na nag-download ng ‘He's Into Her’ sa iWantTFC.

iWantTFC, nangungunang app sa Google Play Store, Apple App Store, dahil sa ‘He’s Into Her’

Tumaas ang bilang ng mga tao na nag-download ng ‘He's Into Her’ sa iWantTFC.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/02/2021 03:43 PM
iWantTFC, nangungunang app sa Google Play Store, Apple App Store, dahil sa ‘He’s Into Her’

Nangunguna ngayon sa Pilipinas ang streaming app na iWantTFC dahil sa Star Cinema series na He’s Into Her.

 

 

Nitong nakaraang linggo, marami ang nag-abang para sa show na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano nang ilabas ito noong Mayo 28. 

Dahil sa dami ng nanood noong gabing iyon, nakaranas ng technical difficulties ang app dahil sa dami ng sabay-sabay na nanood sa show na base sa libro ni Maxine Lat. 

Agad namang naglabas ng pahayag ang iWantTFC hinggil sa pagkakaroon ng mga isyung teknikal ng iWantTFC. 

“Thank you for your overwhelming support! Due to the record-breaking number of users who want to watch the premiere episode of He’s Into Her, we are currently experiencing some technical issues,” saad ng iWantTFC. 

Dagdag pa nito: “Rest assured, we are now working to resolve and restore the streaming of the episode as soon as possible. Thank you for your understanding!”

 

 

At makalipas lamang ang dalawang araw, naging No. 1 app na ang iWantTFC sa listahan ng mga libreng entertainment apps sa Google Play Store at Apple App store sa Pilipinas. 

Maliban sa iWantTFC, napapanood din ang He’s Into Her tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, and TFC. 

Donny Pangilinan on waiting two years for his series ‘He’s Into Her’: ‘Hindi ako nainip’

Si Chad Vidanes ang nagsisilbing direktor para sa nasabing programa.