• Home
  • Fresh Scoops
  • Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Desiree del Valle na nagdadalang-tao na siya.

Desiree del Valle, naging emosyonal nang ibahagi ang pagdadalang-tao sa unang anak nila ni Boom Labrusca

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Desiree del Valle na nagdadalang-tao na siya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/02/2021 09:53 AM
Desiree del Valle, naging emosyonal nang ibahagi ang pagdadalang-tao sa unang anak nila ni Boom Labrusca
Photo Credit: @deslois Instagram

Magkakahalong emosyon ang naramadaman ng aktres na si Desiree del Valle nang ibahagi ang balitang inaasahan na nila ang unang anak nila ng kapwa aktor at asawa nito na si Boom Labrusca. 

 

 

Sa panayam ni Desiree sa Star Magic Inside News, ikinuwento ni Desiree ang naging reaksiyon nila ni Boom nang malaman nila na magkakaroon na sila ng anak. 

“When I saw this, sobrang happy namin ni Papi. Halong tawa, halong iyak. Tumatalon kami pareho tapos hawak ko lang ito,” ani Desiree na masayang ipinakita ang kanyang pregnancy kit na may dalawang nakaguhit na linya. 

READ: Boom Labrusca shares wife Desiree del Valle is 17 weeks pregnant

Emosyonal namang sinabi ni Desiree na hindi naman umano siya makapaniwala na nagdadalang-tao na siya ngayon. 

"Sobrang happy ko, sobrang ang lakas lakas ng heartbeat niya. Parang I couldn't believe na there's actually a living baby inside me noong time na 'yon at saka kung gaano na siya kabuo,” aniya. 

Dagdag pa niya: "Sobrang happy, sobrang thankful. Iba 'yung feeling.”

Panoorin ang panayam ni Desiree sa ibaba: 

Ayon kay Desiree, agad niyang itinigil ang kanyang mga bisyo nang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. 

Samantala, sinabi naman ni Desiree na hindi muna siya tatanggap ng mga proyekto simula ngayong Hunyo. 

Noong nakaraang buwan lamang kinumpirma ni Desiree sa publiko ang kanyang pagbubuntis ngunit Abril pa nang malaman nila ang magandang balita.